Nang summer na yon, napagkasunduan ng mga magulang nila na pilitin silang magsummer job kaysa naman daw nakatambay na naman sila at kung saan-saan nagpupunta. Pumayag naman silang lahat pero ang gusto nila magkakasama sila sa iisang lugar. Kaya ipinadala sila ni Kit sa The Haven Hotel ang hotel na ipinatayo ni Joax sa tabi ng Plaza Joana na katabi ng Havensville Subdivision.
Si Shawn pumasok na Driver ng Hotel Service, si Ian naman Staff sa Gym, si Ice Bellboy at si Jaybee nag-waiter sa Restaurant ng Hotel.
Isang bagay na nalaman ni Mandie mula sa kanyang Tita She dahil ang kanyang Tito Robby ang may pakana nito at ang naginterview at tumanggap sa kanila. Halos isang linggo pa lang na nagtatrabaho ang mga ito doon ay naisip ni Mandie na biruin ang mga ito. Kaya niyaya niya si Jeanie, Chloe at Julia na magstaycation sa Suite ng kanyang mga magulang sa nasabing Hotel.
Biyernes ng alas dos ng hapon ng pumarada ang Van nila Joax sakay si Mandie, Jeanie, Chloe at Julia. Pagpasok pa lang nila nakita na nila si Ice na umatras at nagtago ng makita sila. Dere-deretso sila sa Check-in Counter sa Lobby ng hotel.
Mandie: Good Afternoon, I have a booking under the name Amanda Maine Capili.
Receptionist: Of course, Mam... ready na po yung two bedroom Suite ninyo at the Penthouse. Can I borrow your ID Mam.
Mandie: Here... and here's for the security deposit. Can you make us an extra access card?
Receptionist: Of course Mam. Here are your access card and your welcome drink stub. You can either take it at the poolside bar at the 8th floor or at the RJ Diners at the 10th floor. Welcome at The Havens Hotel and enjoy your stay.
Mandie: Thank you!
Nakita sila ni Brady ang bading na Operations Manager ng Hotel.
Brady: Oh Mandie Darling, bakit kayo lang akala ko ba sabi ng Mama mo may pajama party kayo?
Mandie: Tomorrow night pa po yon Tito. But thank you for accommodating us. You remember Jeanie daughter ni Tito Baste?
Brady: Of course I do, hello Hija!
Mandie: And my friends Chloe and Julia.
Brady: Nice meeting you both. It's our pleasure having you. Oh wait, let me get someone who'll assist you with your things. Ice, please take care of Mandie and her friends.
Walang nagawa si Ice kung hindi lumapit tulak ang baggage cart.
Ice: Yes Sir! Good Afternoon Mam, I will take you to your room.
Isinakay niya ang apat na luggage at ilang mga paper bag sa cart. Tumingin siya kila Mandie na nakangiti.
Ice: This way please...
Pinagbuksan sila nito ng elevator at ng nakapasok na nila sumunod siya hila ang cart. Pagsara ng elevator, nagtawanan sila.
Julia: In fairness Ice, bagay sa yo ang uniform ang gwapo mo lalo.
Bumungisngis ang mga ito.
Ice: Nangaasar ba kayo?
Chloe: Of course not, we actually think its cool.
Ice: Nakakahiya nga eh.
Mandie: Walang nakakahiya sa trabaho mo no?! Nakakabilib nga na kahit hindi mo naman talaga kailangan ng trabaho, you still did it. Am sure marami kayong matututunan.
Ice: Actually, masaya naman, mababait din kase mga kasama sa trabaho tsaka nakakatuwa ang mga kwentuhan kapag break na at ang pinakamaganda kumikita kami sa tip.
![](https://img.wattpad.com/cover/171222246-288-k363954.jpg)
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomanceSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...