Katulad ng mga napagkasunduan sa kanilang meeting... mabilis na nakapagapply at nakabitan ng tubig at kuryente sa property at makalipas ang dalawang linggo ay nagsimula na ang pagtatayo ng La Casa Memoria de Baguio.
Ang pasok ng mga trabahador ay ika-walo ng umaga hanggang ika-lima ng hapon dumadating naman sa location si Jaybee at ang kanyang Team bandang ika-siyam ng umaga. Naiiwan si Mandie sa Hacienda at tinutulungan si Yaya Violy at Janine na magluto ng pagkaing ititinda sa mga tauhan. Isasabay ito ni Mandie at ihahatid sa location saka naman siya nagiikot para mangalap ng mga supplier na gustong magbid para sa farm at garden na gagawin nila.
Paguwi ni Mandie sa hapon, siya naman ang nagluluto ng hapunan nila ng Team ni Jaybee. Kadalasan dumadating ang mga ito ng ika-anim ng gabi at nasa kalagitnaan si Mandie ng kanyang pagluluto. Hahalik lang si Jaybee sa pingi nito para bumati at papasok na sa kanyang kwarto, magpapahinga at magsho-shower. Paglabas nito ng nakabihis na tutuyuin lang ang buhok at pupunta na sa kusina para tulungan si Mandie para maghain na. Pagkatapos ng hapunan ipinagtitimpla sila ng tea ni Yaya Violy at sa veranda sila magkukwentuhan hanggang sa antukin. Ganon ang routine nila araw-araw.
Kapag sabado naman nagpipicnic sila sa may Manggahan at nakikinig sa mga kwento ni Tata Damian ay Yaya Violy. Ang mga kwento nung panahong unang nakarating sila Maya sa Hacienda. Yung unang beses na nakita nilang nakadamit pangbabae ito. Kung papanong pinangalanan ni Maya ang mga puno at inampon ng mga taga Hacienda ang bawat isa at hanggang kasalukuyan ay ganon pa rin. Kung papanong naging paborito ni Joax ang Igado at yung naglaro sila Joax ng agawang biik. Nageenjoy silang malaman ang mga kwentong yon.
Kapag linggo naman, nagsisimba sila kasabay nila Yaya Violy, Tata Damian, Ramil at Janine sa Havens. Pagkatapos magpapaiwan na sila at magaagahan doon sa coffee shop at magkahawak ng kamay na lalakad papasok ng Hacienda para maexercise ang katawan. At kapag lumilim na sa hapon maglalakad sila papunta sa batis at magtatampisaw doon.
Masaya ang pananatili nila sa Hacienda habang inaasikaso ang pagtatayo ng La Casa Memoria de Baguio. Makalipas ang isang buwan... isang Biyernes yon katulad ng naging routine nila sa araw-araw pagkatapos maghapunan ay nagtitipon sila pero ng gabing yon sa garden sila pumwesto at hindi tea ang nakahain kung hindi alak dahil kaarawan ni Ramil.
Nagkatuwaang uminom ang mga taga Hacienda sa garden at nayaya sila Jaybee at Mandie. Dahil sa pakikisama, pinaunlakan nila ang mga ito at sumali sila sa inuman at mga palaro. Nasa kalagitnaan sila ng kasiyahan bandang 11pm. Marami-rami na din ang nainom nila at may tama na si Mandie kaya sa huling palaro, bahagya itong na-out balance at muntik ng matumba. Mabuti na lang mabilis na nakawit ni Jaybee ang bewang nito. Dahil may tama na din bahagya ding nawala sa balanse si Jaybee at napaupo sa silya. Naiyakap ni Mandie ang braso sa leeg ni Jaybee para hindi siya tuluyang matumba kaya sa kandungan ni Jaybee bumagsak si Mandie. Malakas silang nagtatawanang lahat. Iyon ang inabutang eksena ni Maya at Joaquin na kadarating lang para bisitahin ang project.
Maya: kaya naman pala gustong- gusto ninyo dito dahil puro kaharutan ang ginagawa ninyo.
Joax: Maya tama na.
Maya : Oh bakit hindi ba totoo, tignan mo nga ang itsura niyang mga yan tama ba yang nasa harap pa ng ibang tao kung maglandian.
Joax: Maya ano ba, and daming bisita nakakahiya.
Maya: Ako pa ba ang dapat mahiya?
Mandie: It's not what you think, it was an accident.
Jaybee: Mam, naout balance lang po si Mandie kaya sinalo ko.
Yaya Violy: Maya totoo ang sinasabi ng mga bata, nagkakatuwaan lang kami natumba lang talaga si Mandie at sinalo ni Jaybee.
Maya: Yaya, huwag kang makialam dito.
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomanceSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...