Bumangon si Mandie. Nagmamadaling naghilamos at nagtoothbrush tsaka isinuot lang ang jeans, black blazer at sneakers. Isinuot ang concealed waistholster isinuksok ang isang baril at kinuha rin ang pink lady gun at isinuksok sa kabilang tagiliran.
Lumabas ng kanyang kwarto at kinalabog ang pinto ng kwarto ni Alex at ng kanyang magulang. Sabay na nagbukas ng pinto ang mga ito.
Mandie: Tita Janine is hyterical pinasok daw sila kagabi. Am on my way to there. Sunod na lang kayo ni Alex don Tay...
Joax: okay go!
Paglabas niya ng garahe nakita niya ang Harley Davidson Motorbike ni Jonas nakakabit pa ang susi. Isinuot ang helmet at sumakay. Pinagbuksan siya ng gate ni Manong driver at pinaharurot na niya ang motorsiklo papunta sa Ayala Alabang kung saan nakatira sila Jaybee. Walang sampung minuto ay narating niya ito. Inabutan niyang may mga pulis sa harap ng bahay. Tinitignan ang kotse ni Jaybee na may spray paint sa gilid. Ipinakita niya ang badge at ID niya. Hinayaan na siyang pumasok sa loob.
Tumakbo si Janine palapit sa kanya ng makita siyang nakatayo sa pinto. Umiiyak ito sa takot.
Mandie: Calm down Tita... What happened?
Janine: Daddy found a dead cat sa tapat ng pinto ng kwarto ni Jaybee. Nakasabit ang leeg at laslas ang bituka, tumutulo pa ang dugo at may nakalagay na note sa bibig nito.
Mandie: Nasan si Lolo?
Janine: Nasa second floor living room kasama sila Jaybee.
Tinawagan ni Mandie ang kanilang Chief at binigay na niya ang ditalye.
Nagulat si Jaybee ng makita siya na yakap ang takot at umiiyak na ina.Inalalayan ni Mandie na makaupo ito sa couch. Nagmano siya sa lolo ni Jaybee.
Art: Hija, am so glad you're here.
Mandie: Lolo kalma ka lang okay... We don't want you back in the hospital. You have to be strong for the family.
Art: I am fine. I'm worried but I'm fine. I feel better. Nagulat lang ako.
Baste: Janine just seat there babe sasamahan kita. So Mandie can do her job. Okay?
Tumango naman si Janine. Iniwan na siya ni Mandie at kinausap ang Village Security. Nang makuhanan ng litrato ang nakasabit na patay na pusa. Kinuha ni Mandie ang note sa bibig ng pusa.
Kitang-kita ni Jaybee ang takot at galit na rumehistro sa mukha ni Mandie. Napamura pa ito. Nakakunot ang noo na sinalubong ang palapit ng si Alex at ang kanilang Chief. Ibinigay ni Mandie ang note at ipinabasa. Patuloy silang nagusap ng mapansin ni Baste na umaangat na ang boses ni Mandie. Niyaya niya ang mga ito sa opisina ni Art sa pinakadulo ng 2nd floor. Pumasok sa loob sila Chief Marco, Alex, Mandie, Joax, Baste at Lolo Art.
Mandie: This is so obvious. The threat is for him. At alam kong si Vivien lang ang gagawa nito.
Chief Marco: How did you know?
Mandie: I just know! Damn it!
Chief Marco: Hindi naman natin siya pwedeng arestuhin ng walang ebidensiya or threat na direktang nanggaling sa kanya. We don't even know where she is or if she's really here in the Philippines. Mismong si Jaybee ang nagsabi na mabait sa kanya si Vivien.
Mandie: Chief, this family never had anything like this. Tahimik silang mga tao. Matagal ng business man si Mr. Ledesma at wala siyang nakaaway because he is a very nice man. Kung sino man ang gumawa nito knows how to go inside the house without being noticed. May secret passage ang bahay na ito na si Jaybee, ako at Vivien lang ang nakakaalam. Alangan namang si Jaybee ang manakot sa sarili niya. Ako, nanahimik ako sa bahay tulog magdamag besides I don't have any motiff this people are also my family. That leaves Vivien who hates Jaybee.
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomantizmSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...