Chater 59 - Practice makes perfect

736 78 8
                                    

Umaga ang flight nila Ricardo, Rodrigo at Berna kaya maaga pa lang ay hinatid na ni Joaquin si Mandie sa mansyon bitbit ang isang maleta at isang canvass bag na puno ng mga art materials. Dahil masyado pang maaga, tulog pa din naman si Becca kaya si Mandie inayos na lang ang mga gamit niya sa loob ng kwarto ni Becca sa second floor.  Nang matapos ilipat ang mga damit sa closet ay ang laman naman ng canvass bag ang binitbit niya at inilagay sa lamesa sa entertainment room sa first floor ng mansyon.

Nakasalubong niya ang Yaya ni Becca na si Iris at ang katulong na si Linda.

Mandie:  Yaya,  ready na ba ang breakfast ni Becca?  

Iris:  Yes po Mam.  

Mandie:  Here, I printed out a list of her medicines and the scheduled time when to drink them.  Yung isa ikabit mo sa ref, the other one sa kitchen tapos yung isa doon sa ilalim ng salamin ng table sa entertainment room.  Para wherever we are machecheck natin.

Iris:  Okay po.

Mandie:  Ate Linda, malinis na po ba yung guest room?

Linda:  Opo Mam, kahapon pa po pinalinis ni Senyor, papalitan na lang po ng kurtina at mga beddings,  lilinisin din po yung aircon non ngayon. 

Mandie: Okay, mamaya pa namang hapon darating si Jaybee so okay lang, just make sure na matapos before 5pm ha.

Linda:  Opo Mam, akong bahala.

Mandie: May laman ba ang ref?

Linda:  Opo Mam, nagpagrocery at palengke din po si Senyora kahapon para nga daw po hindi na ninyo intindihin pa yon.

Iris:  Mam Mandie ito po yung daily schedule ng activities ni Becca.

Kinuha ni Mandie ang papel at  kinuhanan ng picture sa kanyang  cellphone at idinikit ang papel sa ref.

Mandie:  Kamusta namang alagaan si Becca?

Iris:  Madali naman po, huwag lang na may mararamdamang kakaiba dahil kapag hindi po maganda ang pakiramdam niya nagtatantrums pong talaga at walang activity na nagagawa.  Minsan pati pagkain ayaw gawin.

Mandie:  Anong ginagawa mo kapag ganon?

Iris:  Nakikiusap ho ako sa kanya, kadalasan ginagamit namin ni Senyora Berna si Mam Sheryl, kapag sinasabi po kasi na nalulungkot si Sheryl kapag hindi siya kumakain pinipilit naman po niyang kumain.  Hindi din po basta ginigising kahit pa tanghali na kasi baka nga po magluko.

Mandie:  Papano kung lunch na tulog pa?

Iris : eh di late na hong nakakakain.

Mandie:  hindi naman nalilipasan ng gutom?

Iris:  Malamang ho nalilipasan kasi madalas sinasabi masakit ang tyan niya eh.

Mandie:  Oh sige na, asikasuhin mo na lang muna ang iba mo pang gagawin at ako na ang bahala kay Becca.

Umakyat na siya at pumasok sa kwarto ni  Becca, kinuha ang kanyang laptop at cellphone at ipinatong sa isang office table na naroon.  Nagbasa ng kanyang mga email at nagsagot na din habang hindi pa bumabangon ang kanyang alaga. Nagmental note siya na ika-sampu ng umaga darating ang tutor ni Becca.

Kaya naman pagdating ng ikasiyam ng umaga binuksan niya ang kurtina ng kwarto at lumiwanag doon. Nahiga siya sa tabi ng kanyang pinsan. Hinaplos ang buhok at balikat nito.

Mandie:  Becca, wake up Ate Mandie is here na.

Inugoy niya ito ng dalawang beses.  Pupungas pungas naman itong nagmulat ng mata, naghikab at tinignan si Mandie ng hindi ito umiimik.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon