Sa kalagitnaan ng Open House, nagulat si Jaybee ng dumating ang mga kaibigan mula sa Maynila na sina Shawn, Alex, Ian, Chloe, Ice at Julia.
Naunang lumapit si Ice at Ian... nagkamay at nagfist bump ang mga ito.
Ian: We heard about your open house and we are interested so here we are.
Nagbeso naman ang mga girls sa kanya pati na si Alex.
Jaybee: I see... talagang binakuran ka na pala ng bestfriend ko.
Alex: Well, it's not hard to love him naman kaya nagpabakod na ako and I've never been happier.
Jaybee: Happy to hear that Alex, you don't have to worry seryosong magmahal yang bestfriend ko, it actually runs in their blood.
Shawn: Alam mo naman pala na ang pagiging faithful at one woman man namin runs in the family eh bakit hanggang ngayon hindi pa rin kayo okay ng pinsan ko? Narealize mo na ba na talagang isang kids promise lang ang ginawa mo noon?
Napatingin lang si Jaybee kay Shawn. Alam niyang sa tono ng pananalita nito ay may kinikimkim pa rin itong sama ng loob sa kanya kaya hindi na lang siya sumagot. Ayaw niyang gumawa ng eksena. Parang naintindihan naman ng kaibigan ang pagtahimik niya.
Shawn: Anyway, we're here to check on your property. Naibalita kasi sa akin ni Tito Baste.
Pinatuloy na ni Jaybee ang mga ito at pinakilala sa owner ng property at pinakausap sa Sales Manager.
Dumating din ang kanyang Lolo Art pati na ang kanyang amang si Baste.
Halos maluha si Jaybee ng makita ang Ama. Hindi niya akalain matapos and huling paguusap nila at paguwi nito ng Manila ay dumating pa rin ito para suportahan ang kanyang proyekto.
Nagmano siya sa mga ito at pareho naman itong yumuko para bahagya siyang yakapin.
Baste: I'm so proud of you son.
Tinapik naman siya sa balikat ng kanyang Lolo. Naupo muna sila at nanood at nakinig sa pitch ng Sales Manager. Bago magdapit hapon ay tapos na ang event. Maganda ang naging turn out ng kanilang open house. Masayang kumaway si Jaybee sa mga staff ng Owner ng Subdivision ng magpasalamat ito sa kanya pero nagulat siya ng magpasalamat ito kay Mandie.
BeachVille Owner: Lastly, thank you to the Owner and Proprietor of La Casa Memoria and Retrospect Restaurant and Bar, Ms. Mandie Capili for giving us the opportunity to tie up with them which resulted to higher sales even as early as now. All sales made today was given a La Casa Memoria VIP Card. The card entitles the homeowner of 30% discount on room accommodation and 20% discount on food and beverage and free use of their facilities.
Nagpalakpakan ang lahat.
BeachVille Owner: Let us call on La Casa Memoria's Operations Manager Mr. Matrix Jimenez for some words.
Matrix: Good Afternoon everyone and thank you for holding your event with us. We hope that you have been satisfied and enjoyed it. We hope to do more business with you in the future and we welcome your homeowners in our home with open arms, you will have to thank Mr. Jaybee Ramirez for those VIP Cards though, because he is a family to the owner so she just extended the place to Mr. Ramirez's extended family - the new home owners of the subdivision he developed.
Nagpalakpakan ang lahat, sumipol si Architect at nanukso si Engineer. Ngumiti naman si Jaybee at bahagyang kumaway.
Matapos makaalis ang karamihan ng mga tao, ganon din ang mayari ng subdivision at mga staff nito at maiwan si Jaybee, ang pamilya at kaibigan nila. Lumapit si Matrix kay Jaybee.
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomanceSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...