Nang mga sumunod na linggo... Ilang mga shipment pa ng droga ang naharang ng grupo nila Mandie sa iba't ibang bahagi ng Florida sa tulong ng mga inpormasyong ibinigay sa kanila ni Shelby. Ang huling nahuli nila isang Belgian National ang kinilalang pinakamalaking kliyente ng Sindikato ni Vivien. Dinoble cross ito ni Vivien. Bago pa sila malapitan ng mga pulis binaril ito ni Vivien at kinuha ang pera at saka tumakas. Sinubukang habulin ng mga pulis pero nakatakas ito.
Hindi napuruhan ni Vivien ang Belgian na kliyente at Ikinanta ang iba pang mga miyembro ng sindikato, mga tindahan at lahat ng alam nito tungkol sa transaksyones ni Vivien at ng sindikato nito. Natunton ang kanilang factory, warehouse at hideout. Nailigtas ang mahigit dalawampung teenagers na ang alam ay magtetraning sila para maging maga model ni Vivien at walang kaalam-alam na ibebenta sila. At nakuha din ang milyon-milyong halaga ng mga droga. Nabuwag ang sindikato pero nakatakas si Vivien. At wala silang lead kung saan ito nagtatago.
Isang araw pinanood nilang muli ang video ng confession ni Shelby.
Chief Norton: Based on what Shelby told you... Vivien would probably be on her way to the Philippines or is aleady there , hiding. As his last resort.
Alex: I think so too, since she doesn't have anything left here in the states.
Chief Norton: Aren't you worried?
Mandie: A little... although I know my father will not let anything bad happen to them. Besides I have a cousin and friends who are cops.
Alex: Are you really sure... you don't want to go home?
Mandie: It's okay... I have work here... this is home to me now.
Chief Norton: Agent Ada... you have two months of vacation leave that you have not used. If you need to take care of your family for a while it wouldn't be a problem.
Mandie: Really it's okay,
Alex: No it's not... Mandie, you cannot hide forever. They are your family no matter what besides, you are making your Mom and your siblings suffer just because you hated your father. It's about time that you face them.
Chief Norton: Alex is right. You cannot work fully if you have excess baggage in your heart. Take the vacation and fix your problem with your family so when you come back your free from it all and you can work better.
Napabuntong hininga na lang si Mandie.
Mandie: Fine, I'll think about it.
Nang gabing yon hindi dalawin ng antok si Mandie, iniisip niya ang mga sinabi ni Alex at ng kanyang Chief. Ang totoo kung pamilya lang niya ang paguusapan, alam naman niyang makakaya nilang magkapatawaran at magkasundo lalo na ng Tatay niya. Kaya lang natatakot siyang bumalik. Dahil natatakot siyang masaktan, natatakot siyang makita na wala na pala talaga siyang babalikan.
Dahil ang totoo, natatanggap niya ang email ni Jeanie, Shawn at ng mga ibang kaibigan, tungkol kay jaybee. Minsan may mga pictures din siyang nakikita sa social media account ng mga bar na pinupuntahan nila Jaybee at bawat litrato ay iba ang kasama. Natatakot siyang hindi niya makayang makita ito. It would be either masaktan siya or makasakit siya.
Hindi naman niya masisisi si Jaybee dahil siya naman ang nakipaghiwalay dito. Okay na lang din naman sa kanya kung may iba ng nagmamayari sa puso ng dating kasintahan. Yun naman ang gusto niya noon. Na makahanap ito ng makakapagpasaya sa kanya. Okay lang dahil malayo naman sila at hindi niya nakikita ng harap-harapan.
Pero yung uuwi siya, makikita, magkakaharap at magkakasama na naman sila, yun ang hindi siya sigurado kung makakaya niya na ipagkibitbalikat at ipagwalangbahala lang ang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/171222246-288-k363954.jpg)
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
Любовные романыSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...