Chapter 56 - Blessing

1K 91 16
                                    

Lumipas ang dalawang araw  nasa opisina nila Shawn si Jaybee, dumating doon si Alex dala ang kopya ng record ng mga presong  tumakas. Galit na galit si Jaybee dahil nasugatan si  Mandie at gusto niyang siguraduhing mabubulok sa bilangguan ang Bruno na yon.

Binasa ni Jaybee ang record ni Bruno... marami sa kaso nito ay  pagnanakaw at droga.  Pero ang pinakamalala ay ang pagpatay sa isang lalaki  nung labing walong taong gulang pa lang ito.  Nacurious si Jaybee at inalam ang buong kwento ng mangyari ang Krimen na yon.

Hinanap nila ang pulis na naghandle ng kaso.  Nasa NBI na ang pulis na yon at office work na ang tinatrabaho kaya madali naman nilang nakausap.  Naitabi nito ang file ng kaso, may mga  clippings pa ng newspaper article ng kahayupang ginawa nito.  Nang basahin niya pamilyar sa kanya ang pangalan ng biktima na Emmanuel Mendoza. Dahil yun ang pangalan ng Lolo Nuel ni Mandie. Hindi niya alam ang buong kwento ng pagkamatay nito pero ang alam nga niya sinaksak ito ng maraming beses. Katulad ng nangyari sa biktima nj Bruno. Tinawagan niya ang kanyang ama at pinapunta sa NBI office para makasiguro.

Makalipas ang isang oras ng dumating si Baste.  Pinakita ni Jaybee sa kanyang ama ang article at kimumpirma nga nito na ang tinutukoy sa article ay Lolo ni Mandie. Hindi na nahuli ang suspect sa pagpatay noon. Kaya naman sa tulong ni  Mandie bilang apo ng biktima ay napabuksan ang kaso at nahatulan si  Bruno ng habangbuhay na pagkakabilanggo.

Sa araw ng paghahatol ay inimbitahan ni Baste si Maya na samahan siya sa pagattend ng hearing tungkol sa isang kaso ng kanyang ama.  Yon ang sinabi ni Baste.  Sinamahan naman siya ni Joax at Sheryl.   Nagulat sila ng madatnan doon sila Shawn, Mandie at Jaybee pero wala na silang nagawa kung hindi makinig na lang.  Habang nagsasalita ang abogado na kinuha ni Jaybee ay unti-unting naintindihan ni Maya kung kaninong kaso ang hahatulan ng oras na yon. Namuo ang luha sa mata ni Maya ng tawagin si Bruno sa witness stand si Bienvenido Datus.

Tandang tanda pa niya ang mga pangalang isinulat nung Kapitan sa suiside note nito Raphael dela Cruz at Bienvenido Datus.

Kusang inamin ni Bruno kung papaano ang ginawa nilang pagpatay ng kasamahan niyang si Paeng dela Cruz ang pagpatay sa kanyang ama. Habang isinasalaysay nito ang buong pangyayari ay nanariwa ang lahat  sa isip at damdamin ni Maya.  At ng hatulan ng habang buhay na pagkakakulong si  Bruno na walang parole ay napahagulgol na ito.  Bago ipasok sa kulungan si Bruno ay nakiusap ito  kung pwede niyang makaharap ang anak ni Mang Manuel. 

Nakaposas ang kamay na iniharap siya sa pilit kumakalmang  si Maya. 

Bruno:  Patawarin mo ako... 

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Bruno.

Maya:  Hindi maibabalik ng paghingi mo ng tawad ang buhay ng Tatay ko!

Pero hindi natinag si Bruno at nagpatuloy sa pagsasalita.

Bruno:  Pinagsisisihan ko ang ginawa namin ni Paeng sa yong ama. Hindi ko inaasahan na magagawa mo ngang patawarin kami dahil walang kapatawaran ang kasalanan namin.  Pero kung meron akong hindi pinagsisisihanan sa ginawa ko ng gabing yon ay ang hindi ko pagsabi kay Paeng na naroon ka sa loob ng bodega at nakikita mo ang ginawa namin sa yong ama. Dahil halos kasing idad mo ang kapatid kong may sakit kaya naawa ako sa yo.  Takip ng kamay mo ang bibig mo para makaiyak ka ng walang ingay tulad ng kung papaanong umiyak ang kapatid ko para maitago sa akin ang sakit na nararadamdaman niya at hindi ako magalala . Ang utos ay takutin at saktan lang ng konti kaya ko tinanggap ang trabahong yon. Kaya matapos ang isang saksak ay tumigil na ako. Pero matapang ang Tatay mo at may paninindigan, patayin man daw namin siya ay hindi niya iuurong ang mga reklamo nila tungkol kay Kapitan. Nagalit si Paeng dahil pinsang-buo niya si Kapitan kaya sinunod-sunod na niya ang pagsaksak. Bagay na pinagsisisihan kong hindi ko napigilan. Gusto ko ding ipaalam sa yo, binawian na ng buhay si Paeng dalawang taon na ang nakakaraan hindi na kinaya ng konsenya niya ang krimeng nagawa niya kaya kinitil niya ang sariling buhay.  Ngayong nakita kitang muli mas lalo kong pinagsisisihan ang ginawa ko dahil kahit na may pera pa ako noon ay hindi non nailigtas ang buhay ng kapatid ko.  Samantalang ikaw nawalan na at lahat ng ama heto at buhay ka pa rin. Siguro kung hindi ko ginawa yon baka kasama ko pa siya hanggang ngayon. Muli... Patawad.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon