Bago mag- ika-sampu ng umaga ng bumalik silang lahat sa camping area at nagkanya- kanya na ng bihis.
Bumalik si Jake na naka long sleeves rash guard and knee length swimming shorts. Ganon din si Bryan at Terrence. Si Shawn naman nakasleeveless rash guard at swim shorts, si Ice at Ian naman naka short sleeves na rash guard at speedo square trunks at si Jaybee naka boardshorts at sleeveless front zip na speedo rash guard.
Naupo sila sa kani-kanilang tent at hinintay ang mga girls na lumabas ng banyo. Halos lahat sila nakaharap sa banyo. Nagbibiruan pa.
Bryan: Ang unang lumabas dyan akin.
Lumabas na magkasabay si Stephanie at Dominique parehong nakatwo piece at may suot na maong na shorts, nakashades at naka-buri hat pa.
Bryan: Yun naman, parang galing sa loob ng isang magazine.
Nagmodel at nagpose pa. Nagtawanan at nagpalakpakan ang mga boys.
Tapos sumunod na lumabas na magkasunod si Eunice at Carla. Nakaorange na two piece bikini at puting lace top si Eunice at naka mintgreen na string two piece bikini naman si Carla at may mintgreen na lace top din. Nagcat walk at umikot. Sumipol at nagpalakpakan ang boys.
Walang kamalay-malay naman na naglakad palabas ng banyo si Chloe na naka haltered flowered two piece bikini na may nakasabit na shawl sa balikat. Sinundan ni Julia na naka white and blue stripes na two piece bikini at may black na lace dress na nakapatong. Nagulat pa ang dalawa ng magpalakpakan ang mga boys. Namula sa hiya si Julia at bumubungisngis naman si Chloe.
Nang nakaupo na silang lahat, binigyan ni Kuya Jake ng snorkeling gear yung mga walang dala.
Kuya Jake: Bring everything you need, like shades, suntan lotion, towels etc. dahil hanggang mamayang hapon na tayo doon. Your lunch and snacks will be provided. May cooler din ng softdrinks at mineral water. Kung ready na kayo let's go.
Terrence: Ay Kuya Jake wait... wala pa si Sissy Mandie ko.
Kuya Jake: Kanina pa siya ready, ayon na siya sa beach front oh.
Napatingin silang lahat. Nakatayo si Mandie sa malapit sa nakadaong na bangka. Naka-black and yellow front zip rash guard and boy leg Speedo swim wear ito, naka aquashoes, rayban aviator shades at speedo black cap at may yellow Watershed Westwater Dry backpack at bitbit ang kanyang snorkeling gear.
Naglakad silang papalapit dito. Tahimik na nakamasid lang si Jaybee.
Shawn: Ibang klase ka talaga insan.
Eunice: OMG! I love your shades girl!
Napangiti lang ito.
Bryan: That dry backpack is expensive. I know inaawitan ko yan sa dad ko ayaw akong ibili eh.
Mandie: They are gifts from my Tatay.
Ice: Ibang klase talaga magregalo si Tito Joax.
Ngumiti lang si Mandie.
Mandie: Aalis na ba tayo Kuya?
Kuya Jake: Oo, sige na sumakay na kayo.Pinauna na ni Mandie na sumakay ang iba at hinintay si Chloe at Julia. Magkakatabi silang naupo. Maluwag pa sa side na inuupuan nila pero ipinatong ni Chloe ang bag nila ni Julia kaya walang makaupo sa tabi nila. Huling-huling sumakay si Jaybee. Nang makita ni Chloe na wala ng mauupuan si Jaybee, inangat niya ang bag nila sumiksik kay Julia at...
Chloe: Jaybee, dito ka na sa tabi namin oh.
Saka hinila padikit sa kanya si Mandie para magkapwesto sa kabila nito. Ngumiti si Jaybee...
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomantizmSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...