Dumating ang araw ng ika-labing walong kaarawan ni Mandie. Umaga pa lang busy na ang lahat sa paghahanda. Inihatid na ni Joax si Mandie at si Maya sa kanilang Suit sa Haven's Hotel. Sa pinakamalaking bulwagan ng Haven's Hotel na kilala sa tawag na The Garden Ballroom gaganapin ang pagdiriwang. May sitting capacity ito ng 500 guests. Sa kanilang 3 bedroom suit sa penthouse pinaderecho lahat ng deliveries at ang buong glam team na kinuha ni Janine at Maya para sa kanila.
Naiwan naman sa bahay si Joaquin kasama sila Shelby, Jonas at ng kambal. Dumating na rin doon si Don Ricardo, Rodrigo at Bernadette na kadarating lang ng nagdaang araw mula sa kanila pagbabyahe around the world kasama si Helen ang retired flight attendant na kasintahan ni Rodrigo na mayari ng isang airline.
Tumatakbong sinalubong ng mga bata and kanilang mga Lolo at Lola pati ang pamilya nila Robby at Sheryl kasama ang mga anak nito na si Regina. Sinalubong sila ni Joax nakasunod si Shelby. Yumakap at humalik si Joax sa pisngi ng mga ito at nakipagkamay kay Robby.
Joax: Kamusta naman ang mga jet setter?
Ricardo: Masayang-masaya
Bernadette: Nagenjoy kami sobra. Ang Tita Helen mo, talagang sinagad ang paggamit sa kanyang private plane. You'll see ang dami naming litrato at video.
Rica/Josh: We missed you all Lolo and Lola.
Rodrigo: Naku, namiss namin kayo ng sobra kaya ang dami naming pasalubong. Jose, ibaba na ninyo ang mga maleta ng pasalubong dito sa salas.
Joax: Am so glad you are all back.
Ricardo: Nasaan ang paborito kong apo at manugang?
Joax: Syempre nasa Hotel, kahapon pa kayo hinihintay nagaalala na baka hindi kayo dumating sa kaarawan niya. Dad, tonight is her debutant's party.
Ricardo: Oo nga, sinabi ko naman kasi sa mga ito kagabi na dito na kami dumeretso pero mga pagod na.
Bernadette: Hindi bale puntahan na lang natin maya-maya.
Napansin ni Bernadette si Shelby na nakatayo sa likod ni Joax.
Bernadette: Joaquin may bisita ka yata?
Joax: Oh how stupid of me, Nanay Berna, Dad, Tito Rod. Robby, Sherly... meet Shelby ang anak ni Stephanie.
Robby: Stephanie? As in si Stephanie Mayers ang ex-girlfriend mong modelo?
Joax: Tama ka Robby... sad to say... Steph died of cancer a few weeks ago kaya nandidito muna si Shelby.
Bernadette: Sorry for your lost Hija.
Ricardo: Condolence Hija.
Shelby: Good morning po. Nice to meet you.
Ricardo: Alam naman ng asawa mo kung sino si Stephanie hindi ba?
Joax: Oo naman Dad, ano bang tanong yan, wala naman akong itinatago kay Maya. She knows everything and she was the one who wanted Shelby to stay for a while kasi wala na siyang kilalang kamaganak ng pamilya ni Stephanie. I am still trying to find her relatives.
Ricardo: Joaquin may tyansa bang anak mo ang dalagang yan?
Joax: Dad, please...
Rodrigo: Palagay ko, hindi ngayon ang tamang panahon para pagusapan yan. We have a debutant waiting for us. First things first.
Bernadette: Oo nga naman, puntahan na natin ang ating apo.
Napasimangot si Shelby, nanggigigil ang kaloob-looban. Pilit na ngumiti at pumasok sa guestroom. Nagkataon naman na nandoon at nagtatago si Jonas at Regina dahil naglalaro sila ng kambal at narinig nila ang sinasabi nito.
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomansSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...