Samantala sa isang coffee shop sa Maynila, nagkita-kita sila Mandie, Alex, Matrix at Ram. Matapos umorder ng kanya-kanyang pagkain at inumin. Nagsimula na silang magusap.
Matrix: Nanggaling kami sa bahay nila Jaybee sa Forbes ang sabi ni Manong Guard. Wala nga daw don si Jaybee dahil nagbakasyon kasama ng pamilya at hindi nila alam kung kailan ang balik.
Ram: Ganon din ang sabi ng Uncle ni Jaybee, yung si Sir Nitoy. Siya kasi ang naiwan sa Havensville. Nasa bakasyon daw, sa probinsya. Take note hindi sa ibang bansa kung hindi sa probinsya.
Matrix: May alam ka bang province ng magulang niya?
Mandie: Wala eh. Alam ko taga dito talaga sila sa Maynila dito na nga silang lahat nagkakilala since nung bata pa sila Nanay. Ewannag ko lang ang Lolo niya, I think I can find out sa office ni Tatay later. Ikaw Alex, did you find anything.
Alex: I did but you have to brace yourself and promise me that you will calm down.
Mandie: Fine... I am calm... so, ano yon?
Alex: Hindi ba huling nagkita kami hinimatay siya sabi ng Doctor it may be because of too much emotions and stress. So nag-emotional breakdown siya. Hindi lang yon, nung magising ito, hindi niya maigalaw at walang pakiramdam ang lower limbs niya. He is temporarily paralyzed leg down.
Mandie: WHAT??! Papanong nangyari yon? Was he shot or hit or anything.
Alex: Hindi, ang alam ko lang sinampal ko siya ng malakas dahil in shock siya tapos isinigaw niya ang pangalan mo tapos ayun hinimatay na. Based dito sa medical report na nakuha ko. The temporary paralysis he has is caused by traumatic experience, it is not just physical but psychological as well.
Matrix: If I remember it right he was already at the door kasabay mo Ram nung binaril ni Agent Jane si Mandie at nakita niya na bumulagta ka at duguan ang katawan mo. That's probably the traumatic experience that he cannot accept kaya nagkaganyan siya.
Mandie: Pero eto ako buhay ako, so ibig sabihin hindi niya alam na buhay ako?
Alex: That or he didn't even ask because he cannot discuss something that he will not be able to accept.
Ram: Pwede ngang ganon.
Mandie: Hindi... That can't be. He knows I'm alive kasi remember iniwan niya sa inyo ang tseke para sa akin at sa tema ng sulat niya galit siya at tinapos na niya ang kung ano mang meron kami. He said goodbye.
Matrix: Kung yan ang paniniwala mo, eh bakit pa natin siya pinagaaksayahan ng panahon. Bakit kailangan pa nating malaman lahat eh may conclusions ka na pala.
Mandie: Because I will go crazy if I don't find out the truth. I love him, I still do kung ano man ang dahilan ng pagalis niya gusto kong malaman dahil nagbabakasakali akong maayos ko pa. Jaybee never gave up on me, kahit nasaktan ko siya, kahit nagalit siya nung nakipagbreak ako sa sulat he never gave his heart to anybody. That's why this time I don't want to give up on him too.
Matrix: That's more like it! Simulan na natin ang Mission "Operation Finding Jaybee."
Alex: I didn't know na may pagka-hopeless romantic ka pala Agent Matrix.
Matrix: For the right woman I am, kung katulad ni Mandie na mahahanap ko siya I'm sure I'll fight for her like what she's doing right now.
Ram: Ako din, sama ako ng lima dyan.
Mandie: Teka muna, before anything else, Alex I wanted to ask you. Kasi alam ko naman kaya ka sumama dito sa Manila dahil sa Mission to catch Vivien. Now that the mission is over, ano ng plano mo? Kailan ang balik mo sa Florida?
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
Roman d'amourSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...