Parang biglang nawalan ng mga boses ang mga tao sa bahay nila Joax. Tanging ang pagtangis ni Maya at ng mga anak nito ang naririnig.
Tahimik din si Jaybee pero ang nasa isip, "she didn't mention me or left a message for me. Ganon lang yon?"
Narinig nilang lahat ang pagparada ng isang sasakyan sa harap ng bahay at bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Ricardo, Berna at Rodrigo. Tumakbong yumakap si Maya sa kanyang Nanay Berna.
Maya: Nay, wala na si Mandie, umalis siya hindi na namin inabutan.
Ricardo: What are you saying
Iniabot ni Joax ang sulat ni Mandie kay Jonas. Binasa yon ni Ricardo ng malakas at pinakinggang muli ni Jaybee... pero wala, wala talang mensahe para sa kanya. Isang tanong ang nagsumiksik sa isip niya... "What is this Amy? At least yung iba may I love you, Goodbye. Ako, kahit goodbye wala? This is so unfair."
Ricardo: Tinignan na ba ninyo kung anong mga gamit ang dala niya?
Maya: Dala niya yung envelope where she keeps all her personal documents including her passport pati yung mga para sa school. I found her security safe open so obviously dala niya ang lahat ng pera, alahas at bankbook niya. Ang her big luggage is gone.
Rodrigo: Hindi siya naglayas dahil walang naglalayas na nagsasabi. Hindi man niya sinabi kung saan sinabi naman niya na tutupadin niya ang pangarap niya at iimprove niya ang kanyang pagkatao.
Joax: At patutunayan niyang ang mga hinala niya ay totoo. Umalis ang anak ko na masama ang loob sa akin. Umalis siyang ang alam niya hindi ko siya mahal. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nalalaman kung nasaan ang anak ko.
Berna: Joaquin, Maya, gusto ng anak ninyong mabuhay ng magisa. Hayaan na muna ninyo. Matalino si Mandie at alam nating lahat na hindi siya magpapaloko. Alam natin kung gaano siya katapang kaya maniwala tayo na magtatagumpay siya sa gusto niyang gawin.
Ricardo: Umalis ang anak mo para sa ikatatahimik ninyo. Umalis siya dahil ayaw niyang tuluyang masira ang pagmamahal na meron siya para sa yo. You of all people should understand her. Hindi ba noong hindi tayo magkasundo matapos mawala ang Mama mo mas ginusto mo din na malayo sa akin. Mas ginusto mong mapagisa, mabuhay ng magisa at kahit gaano ka nahirapan hindi ka lumapit sa akin. Kaya ipinadala ko si Robby para samahan ka.
Joax: Pero Dad, babae ang anak ko baka kung mapaano siya doon.
Ricardo: She is not a typical girl. She is strong, she is wiser than her age. Smart ang apo ko hindi niya ilalagay ang sarili niya sa alanganin. Hayaan na muna natin siya. Let's let her settled. Alam naman ninyo ang paaralan kung saan siya pumasa. Paniguradong sa susunod na semester doon pupunta yon. Pag nagsisimula na ang klase tsaka natin paimbestigahan kung nakapasok nga siya then we will start from there.
Rodrigo: Tama si Ricardo, sa ngayon ang magagawa lang natin ay ipagdasal ang kaligtasan niya at ipagpatuloy ang buhay na nagmamahal pa rin sa kanya. Gawin ninyo ang mga ibinilin niya. Jonas make sure you do everything your ate told you to do in that way we will all feel na nandito lang siya sa puso natin.
Manang: Mam, nakahanda na po ang hapunan.
Jonas: Let's eat na po, Ate always say it's bad to let food wait.
Nagpuntahan ang lahat sa dining area, pwera kay Jaybee. Pumunta siya sa kwarto ni Mandie. Naupo sa kama nito at pinagmasdan ang buong lugar at kinausap ang sarili... "Your Lolo said we need to understand you. How can I? I have no clue what you want me to do. I'm used to have you around I don't know how my day would pass without you in it."
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomanceSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...