Chapter 22 - Shattered Hearts

691 89 21
                                    

Bumalik si Joax na puro sugat ang kanang kamay.  Huli na ng mahanap siya ni Robby.  Ginawa niyang punching bag  na pinagsusuntok ang magaspang na walling ng garbage room sa likod ng hospital.  Humahagulgol itong inilalabas ang galit sa sarili at isisisi sa sarili ang sinapit ng kanyang panganay.  Hindi ito tumigil hanggang hindi nagkasugat-sugat, namaga at umaagos ang dugo sa mga kamay niya.

Kaya ng pumasok ito ng private room ni Mandie sa hospital, bagsak ang balikat at dumudugo ang kamay, awang-awa si Maya sa asawa. Umiiyak itong niyakap si Joaquin.

Maya:  Please Hon, tama na. Wala namang may gusto na mangyari ito eh.

Tumawag si  Janine ng Nurse at ipinagamot ang kamay ni Joax.  Bumalik din naman si Dr. Franco.  Si Dr. Franco ay matagal ng family doctor ng mga  Capili kaya is na itong family friend.

Dr.  Franco:  Maya, Joaquin... everyone... are you all calm now?  Mahirap kasing makipagsabayan ng pagpapaliwanag habang nagva-violent reaction kayong lahat.  Ngayon alam ninyo ang pwedeng malalang mangyari di ba?  So, let me continue... I want you all to listen carefully... katulad ng sinabi ko  that vision loss... if it is severe enough it can lead to complete blindness.  Although, since wala naman kaming makitang concussions big or small we think that the damage is not that bad, so it seems that the  vision loss is curable and temporary.  When she wakes up you make sure to tell her to calm down dahil hindi makakabuti sa mata niya ang pagwawala niya lalo na ang pagyugyog ng ulo niya.

Maya:  Franco naman! Tinakot mo kami eh!

Dr.  Franco:  Bigla-bigla kayong nagdadrama diyan eh.  Eto naman si Joaquin... haysss

Nanunuksong sabi ni Dr. Franco. Bahagyan na tuloy silang nagkatawanan.  May ibinilin pa itong mga gamot at tuluyan ng nagpaalam.  Kahit papano ay gumaan ang kanilang mga pakiramdam.

Nang muling magising si Mandie kalmado na ito.  Ipinaliwanag sa kanya  ang maaring nangyari sa mata niya, bahagya itong naiyak pero mayamaya pinunasan niya ng kamay ang kanyang luha.

Mandie:  Maybe God made it this way para wala na lang akong nakikita kasi nasasaktan lang ako sa nakikita ko eh. 

Tahimik lang si Joax, alam niyang siya ang tinutukoy ng kanyang panganay.

Jaybee:  Gagaling pa yan, you will still be able to see. 

Maya:  Tama si Jaybee anak, magtiwala ka lang babalik din ang paningin mo.

Kinalunisan, pumutok na ang balita tungkol sa  pagkakafreeze ng funds ng R&J.   Si Kit ang unang nagtanong dahil may immediate funds sana siyang kailangan para sa isang machine na bibilhin niya.  Madedelay kasi ang trabaho kapag hindi agad nabili yung equipment.

Nagpunta si Kit sa hospital, ng araw ding yung nakabalik na mula sa Hacienda sila Ricardo at doon na sa hospital dumerecho.

Kit:  Joaquin, may alam ka ba sa pagkakafreeze ng funds?  Okay lang naman yon, hindi naman talaga tayo dapat sobrang luwag sa Board eh pero nagulat lang ako, wala naman kasi akong nabalitan na problema sa mga projects or anywhere.

Joax:  I don't know anything.  Tanungin natin si Sheryl baka siya may alam.

Dumating naman sila Ricardo, Berna at Rodrigo.

Ricardo:  Nasaan ang aking apo?

Nakita nilang nakahiga si Mandie sa kama, naroon pa rin ang mga pasa. putok at sugat.  Nalungkot sila sa nakita.  wala na lang nagawa kung hindi humalik sa noo ng natutulog na si Mandie.

Nagbigay galang si Maya, Joax, Kit at Sheryl sa mga ito.   Bahagyang nagkwento ng  nangyari pagkaupong pagkaupo nila sa couch. Binigay ni Sheryl ang mga papeles na para sana kay Shelby.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon