Isa't kalahating buwan nagtour sa Asia at dalawang buwan at kalahati naman na nagtour sa Europe si Jaybee at Mandie. Umuwi silang masaya at mas matatag ang pagmamahal nila sa isa't isa. Hinamon ng sparing ni Joaquin ang inaanak sa unang araw ng pagbalik nito sa Pilipinas pero humarang si Mandie at nakipagsparing sa ama.
Masaya din ang naging kasal ni Shawn at Alex at biniyayaan sila ng anak na babae.
Isang solemn at eleganteng kasal naman ang idinaos para kay Jaybee at Mandie makalipas ang isang taon. Mabilis ding lumipas ang sampung buwan at kabuwanan na ni Mandie nagsimula na itong maglabor pain ng umagang yon.
Imbes na pumasok sa trabaho ay sinamahan na lang ni Jaybee sa bahay ang asawa para maalalayan ito. Nagpapabalik-balik ito ng paglalakad sa garden para matagtag. Pero nang magsimulang sumakit ang tyan...
Mandie: Ouuucccchhhhh... luv masakit!
Sabay suntok sa dibdib ni Jaybee. Hawak ng mahigpit sa kamay ni Jaybee ang asawa. Pinupunasan ang pawis na tumatagaktak sa noo nito.
Kapag nakahiga naman at sumakit ang tyan, nasisipa ni Mandie si Jaybee. Halos apat na oras na naglabor pain si Mandie sa bawat pagsakit kung hindi suntok, sipa ay kurot ang inaabot niya mula kay Mandie. Pero walang reklamo si Jaybee, para sa kanya kung yun ang paraan para mabawasan ang sakit na nararamdaman nito ay okay lang.
Kaya bandang ika sampu ng gabi at pumutok ang panubigan ni Mandie nagmamadaling magpalit ng damit si Jaybee. Paghubad nito ay puro pasa at bugbog na ito sa katawan.
Biniyayaan sila ng kambal na isang lalaki at isang babae. Sa hospital ipinakita na kay Mandie ang kanyang mga sanggol. Katatapos lang ng mga ito na sumailalim sa new born screening test at lumabas sa resulta na parehong ipinanganak na malusog at walang abnormalities ang mga ito.
Nakaupo si jaybee sa upuan sa tabi ng kama at karga nito si Ardee o si Armando Sebastian at buhat naman ni Mandie si Savy o si Sabrina Amanda habang nakahiga siya.
Mandie: They are beautiful.
Jaybee: Lumabas na din ang result ng new born screening. Both of them are healthy. Wala silang congenital disease. You did it Luv!
Mangiyak-ngiyak si Mandie sa narinig.
Mandie: We did it Luv! We are blessed because we fought life together.
Inihiga na ni Jaybee ang mga anak sa glass baby crib at niyakap si Mandie.
Masayang nakamasid ang pamilya nila nang may mapansin si Joaquin.
Joax: Pero mukhang nagmana sa inyong dalawa. Tignan ninyo.
Si Savy kawag ng kawag na para bang may kalaro. Isinisipa nito ang mga binti at isinusuntok ang mga braso.
Si Ardee, tahimik lang na nakababa ang mga binti at braso at nakatingin sa ilaw.
Maya: Alam na alam kung sino pinagmanahan eh no?
Nagtawanan sila at masayang pinagmasdan ang mga sanggol. Pakiramdam ni Mandie, nawala ng lahat ng alalahanin niya at habang kasama niya si Jaybee wala siyang hindi kakayanin.
Si Jeanie, mataray pa rin at si Enrico makulit pa rin. Kung may magbabago pa ba sa kanila, hindi natin alam... baka sakali pagdating ng tamang panahon.
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomanceSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...