Chapter 49 - The morning after

1.3K 116 30
                                    

Nagising si Mandie sa kalabit sa kanyang braso.   Nagmulat siya ng  mata nakita niya si Claire na nakangiti sa kanya.  Sumesenyas ito ng nakatapat ang daliri sa labi na sinasabing huwag siyang maingay at itinuturo ang nasa kanyang tabi.

Nilingon ni Mandie ang itinuturo nito at nakita niya si Jaybee na himbing ang pagtulog nakayakap ang braso sa kanyang katawan.  Napangiti siya at pinamulahan ng mukha.  Lumapit si Enrico na may bitbit na dalawang malalaking unan. Tinulungan nilang maupo si Mandie at inilagay ang isang unan sa likod nito at isiniksik sa ilalim ng baba ni Jaybee ang isang gilid ng unan. Inangat ang brasong nakayakap kay Mandie at ng nakatayo na ito inilagay ang pangalawang unan sa ilalim ng braso ni Jaybee.  Iniwan na nila ito at nagtungo na sa  may kusina.

Claire:  Pasensya na po Mam, nagising kasi ako wala ka, nagalala ako.  Tinanong kita kay Kuya Matrix ang sabi niya nagpaalam ka lang daw kagabi na may dinner date kayo ni Sir Jaybee. At kung hindi ka daw umuwi sigurado siyang nandidito ka dahil okay na kayo ni Sir Jaybee.  Gusto ko lang makasigurado kasi hindi ka naman nawawala ng walang pasabi kaya natawagan ko si Echo sabi nga hindi ka daw pinauwi ni Sir Jaybee.  Okay ka lang ba?

Enrico:  Tinatanong pa ba yon Claire, mukha bang hindi okay si Ate Ganda sa itsura niya katabi si Sir kanina?

Claire:  Eh bakit ba, naniniguro lang.

Mandie:  I'm okay Claire.  Thanks for the concern dear. Ang saya lang namin kasi nakakalakad na siya eh. Ayokong sirain ang gabi niya.

Enrico:  Ate Ganda, magkape muna tayo oh. 

Inilagay ni Enrico ang dalawang tasa ng kape sa harap nila.

Mandie: Thanks Echo!

Claire:  Salamat... Talaga? Nakakalakad na siya? Mabuti naman, pero papano nangyari yon?

Enrico:  Dahil kay Ate Ganda... Sobrang mahal ni Sir Jaybee si Ate Ganda  lagi niyang sinasabi at ikinukwento sa akin.  Pero kagabi napatunayan ko kung gaano kalalim ang pagmamahal ng amo ko kay Ate Ganda.  Kasi nung sinabi ni Ate Ganda na aalis na siya, hinabol siya at pilit pinigilan ni Boss. Muntik ng mabunggo si Ate Ganda ng isang mabilis na sasakyan pero iniligtas siya ni Sir Jaybee at tumayo para suntukin yung driver. Noon ko lang nakitang magalit ng ganon si Sir Jaybee eh. Tapos hindi pa nakuntento lumakad at itinayo yung driver para suntukin lang ulit

Claire:  Wow! Ang intense naman non.

Mandie:  He didn't even noticed na nakakatayo at nakakalakad na siya.

Enrico:  Kung ano-ano ang ginawa namin para makalakad na siya eh si Ate Ganda lang pala ang solusyon sa temporary paralysis niya.

Claire:  Alam mo Mam, ngayon lang din kita nakitang ganyan kasaya.   Maaliwalas ang bukas ng mukha mo. Kinikilig ka pa nga kanina nung nakita mo na nakayakap siya sa yo.

Enrico:  Uy si Ate Ganda... first time ba yan na natulog kayo together?

Mandie:  No,  noong naglayas ako before I go to the US.  Sa condo unit niya ako tumuloy habang nagaassikaso ako ng papers ko.  Iniisip ko pa nga non, kapag pinigilan niya ako o kaya isang sign lang na makita ko na ayaw niya kaming magkahiwalay.  I will ask him to come with me. Ang gusto ko lang naman kasi noon umalis ng  Pilipinas pero ayokong malayo sa kanya.  I was just to stubborn to admit na sobrang mahal ko siya.  Kung itatanan niya ako sasama talaga ako sa kanya.

Enrico:  Alam ba ni Sir Jaybee yan?

Mandie:  I don't think so, kasi bata pa kami non. Si Jaybee bata pa pero napakaresponsable niya.  Hindi siya papasok sa isang bagay na hindi siya sigurado.  Kaya alam ko hindi pumasok sa isip niya ang itanan ako.  Hindi nga din pumasok sa isip niya na sumama sa  akin eh.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon