Chapter 55 - Katatagan

775 96 20
                                    


Lakad takbo ang ginawa ni Mandie makalayo lang sa kubo.  Hindi alintana ang mga damo, halaman at sanga ng mga puno at halamang madaanan niya. Hindi pansin ang mga gasgas at galos na natatamo niya mula sa mga ito.  Ang alam niya lang kailangan niyang makalayo at iligtas ang sarili.

Halos isang oras na siyang naglalakad at tumatakbo at pakiramdam niya nagpapaikotikot lang siya dahil halos pare pareho ang mga halamang nadadaanan ng makarinig siya ng mga kaluskos.  Itinapat niya ang flashlight kung saan niya ito narinig pero wala siyang makita.  Madilim pa kasi at sa pakiwari niya ay baka isang oras pa bago magbukang liwayway.  Lumakad ulit siya, lalong lumakas ang kaluskos na para pang palapit ito ng palapit sa kanya.  Napatakbo siya ng mabilis para pa ring sumusunod sa kanya ang ano mang kumakaluskos na yon. Nakakita siya ng malaking puno na may malalaki at bilugang mga sanga at dahil sa takot sa kung anong humahabol sa kanya ay napaakyat siya sa malaking punong yon. Tahimik na nangunyapit siya isang malaking sanga at umusal ng dasal. Kasabay ng mga kaluskos ay ang palakas na palakas na ungol ng isang baboy ramo.  Napatingin siya sa ibaba ng puno at naaninang niya doon at napaisip siya kung ano ang hayop na yon... "wild boar? oh my God that was close."  

Nakita din niyang napahinto ito na parang may hinahanap.  Mayamaya ay nagsimula na ulit itong maglakad. Nakahinga siya ng maluwag. Napaisip na naman siya at naalala niya ang sinabi nung si Bruno, "makatakas man siya ay hindi siya makakatakas sa mababangis na hayop sa gubat na ito, totoo nga."   

Tahimik siyang nagisip ng kasunod na gagawin.  Napagpasyahan niyang sa itaas ng punong yon na lang hintayin ang pagliliwanag. Pinasadahan muna niya ng flashlight ang mga sanga baka nakaligtas nga siya sa  wild boar sa ahas naman siya mapunta.  Nang masigurong wala namang ahas ay pumili ng malaking sanga na lapat ang lapad sa likod niya at doon isinandal ang likod saka ipinikit ang mata.

Samantala ilang sangay  na ng mga kalsada ang napasadahang baybayin ng grupo nila Shawn sa paghahanap kay Mandie pero bigo pa rin sila.  Alalang alala na si Jaybee. Pinalalakas naman ng matalik na kaibigan ang loob nito.

Shawn:  You don't have to worry, hindi tayo titigil sa paghahanap. Isa pa pareho nating kilala si Mandie, matapang yon.  Walang ibang takot yon kung hindi ang mawala ka sa buhay niya pero kung simpleng pagkasira ng sasakyan o pagkawala ng gasolina makakaisip ng paraan yon.

Jaybee:  Papano kung NPA o yung mga takas na preso ang nakatyempo sa kanya. Shawn, those are bad people with no concience at all.

Shawn:  Sus, eh di lalo ng wala silang panama kay Agent Ada. 

Jaybee:  It's been a long time since her last mission and it almost cost her her life.

Shawn:  Sus! Those shots are flesh wounds sanay na kaming mga pulis sa ganon.  Although I know that you are just worried but believe  me when I say all she needed is a chance to use whatever talent she has again. Kapag nalagay sa panganib ang buhay niya am sure mabubuhay ang dugo non sa katawan... adrenalin rush bigtime at siguradong mapupulbos ang sino mang magtangkang manakit sa kanya.

Napabuntunghininga na lang si Jaybee habang palingalinga sa dinadaanan nila ng bigla siyang makatanggap ng text mula kay Mandie.  Napakunot ang noo ni Jaybee ng mabasa ang nakasulat sa text... "Mt. Ulap."

Jaybee: May text si  Mandie... Mt. Ulap.

Shawn:  Subukan mong tawagan.

Huminto ang sasakyan niya at sinubukang idial ni Jaybee ang number ni Mandie pero sarado na ang telepono nito.

Shawn:  Baka nakakuha lang siya ng maliit na pagkakataon tapos pinatay na ang cell niya para masend ang message na ito.  Mt. Ulap.  Captain Romulo may ganon  bang lugar dito?

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon