Chapter 12 - Partnership

828 82 11
                                    


Nang gabing yon natuloy ang pajama party ni  Mandie na ginanap sa Family Theater sa penthouse ng  hotel. Tatlong lumang english film ang inihanda ni Mandie na alam niyang magugustuhan ng mga kaklase at kaibigan niya.  Ang old time suspense thriller favorite na Jeepers Creepers,  ang Percy Jackson the lightning thief at  A walk to remember.

Sa dalawang lamesa na  nakalagay sa magkabilang gilid ng theater nakalagay ang napakaraming iba't ibat chips,  kettlecorn popcorn at mga bottled softdrinks, iced tea at mineral water.

May mga kaklase siyang nakaupo sa mga theater chairs na may kanya-kanyang unan at kumot at excited na naghihintay. Mahigit Dalawampu't lima ang mga nagsipagdalo kaya madami sa kanila ang nakasalampak sa mga comforter na nakalatag sa carpeted na sahig at may mga yakap na throw pillow at nakakumot.  Ang tropa nila Shawn na nakabilog sa gitna ng lugar at namamangka na sa pagkukwento at pagpapatawa na ikinatutuwa naman ng mga kaklase ni Mandie.

Nakaupo naman sa harapan ng  mga theater chairs sa bandang gitna sila Jeanie, Chloe at Julia nasa unahan nila sila Shawn.  Pumunta sa harap ng wide screen si Mandie. 

Mandie:  Are you all enjoying yourself? 

Lahat:  Yes!

Sarah:  Sobrang enjoy Mandie.

Mandie:  Good, so invite ninyo mga parents ninyo to go staycation here ha.  

Rebecca:  I will Mandie, for my birthfday next month.

May mga sumagot na ako din.  Nagtawanan at nagpalakpakan silang lahat.

Shawn:  Pero kung gusto ninyong makita ang mga kagwapuhan namin dapat ngayong summer kayo magstaycation.

Mandie:  That's true... actually may mga summer treat kami every weekend like live bands, Dance Instructors or Food Events. So hope you can all come back soon.   In a  few minutes we will start the film showing. Movie Marathon ito, there would be CR breaks after each movie and you can get some food and drinks all thru out the movie. Ready na ba kayo?

Lahat:  Yes!

Mandie:  Sit back, relax and enjoy. 

Naupo si Mandie sa tabi ni Jeanie kung saan nakasandal siya sa harap ng isang theater chair. Wala pang sampung minutong naguumpisa ang pelikula naramdaman na niyang naupo sa tabi niya si Jaybee.

Bumulong lang ito ng "Hi" at nanood na ng Movie.  Habang nanonood hindi mapigilan ni Mandie na mapatingin sa mga kilos ng mga kaibigan at kaklase na nasa harap nila.  Sa kalagitnaan ng pelikula nakita niya si Shawn na gumapang para kumuha ng ilang chips at biglang ibinato paitaas ang mga ito kaya nagkagulatan ang lahat pero kinuha naman ang mga chips at nagtawanan.  Kumuha din ito ng ilang chips  at dalawang iced tea.  Iniabot ang ilang chips sa mga kaibigan at saka naupo sa tabi ni Jeanie.  Binuksan ang isang kettle corn at inalok si Jeanie.  Nakita din niyang eksaktong humiga si Ian sa harapan ni Chloe at inilagay ang isang unan sa kandungan nito at doon ipinatong ang ulo. Wala namang reklamo si Chloe. Napangiti na lang din siya.  At si Ice naman dumapa sa tabi ni Julia habang nakikishare ng chips nito. Nagkatinginan sila ni jaybee ng mapansin na pareho sila ng tinitignan napabungisngis silang pareho.  

Dahil may pagkasuspense thriller ang unang pelikula  kapansin-pansin ang mga babae na nakahiwalay ng upo kanina ng magsimula ay nakatabi na at nakadikit sa mga lalake at kung hindi nakakumot ay may yakap na unan.  Kapag nagugulat si Mandie ay napapahawak sa braso ni Jaybee kaya ang ginawa ni Jaybee kinuha ang kanang kamay ni Mandie at pinagsalikop ang kanilang mga palad. Ipinatong sa isang throw pillow na nasa kandungan ng bahagyang nakatupi niyang tuhod kaya hindi masyadong halata.  Ngumiti na lang din si Mandie.  Tahimik nilang tinapos na panoorin ang Jeepers Creepers.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon