Ika-sampu ng umaga ng magland ang eroplanong sinasakyan nila Mandie at Alex sa NAIA. Kinuha lang nila ang kanilang checked in bags at lumabas na ng airport. Madali naman nilang naidentify si Agent Matrix at Agent Ram.
Alex: at 3 o'clock girl... one in black and yellow shirt.
Tiningnan ni Mandie ang itinuro ni Alex.
Mandie: Yah that's them.
Kumaway si Mandie sa mga ito. Bumubulong si Alex kay Mandie
Alex: In fairness hindi lang yummy easy on the eyes pa. Pag yan ang makakasama natin sa operation I will fake fainting.
Mandie: You're crazy!
Mayamaya may pumaradang F150 sa harap nila. Bumaba ang dalawang lalaking kumakaway sa kanila kanina.
Mandie: Agent Ram, Agent Matrix?
Matrix: Yes Mam!
Ipinakita nila ang kanila ID at Badge.
Mandie: I'm Ada and This is Agent Alex.
Iniabot ni Alex ang kamay niya para makipagkamay sa mga ito at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Natawa naman si Mandie. Isinakay ng mga ito ang mga maleta nila at nagtungo muna sila sa opisina ng Agency. Nagreport sila doon at ibinigay ang kanilang Assignment Paper sa Head ng Agency na si Chief Marco. Doon sila inissuehan ng tracker, cellphone at mga baril, tig-isang Smith & Wesson M& P Shield at isang Charter Arms Pink Lady Undercover Lite.
Alex: Chief ang cute naman nitong isa pink talaga?!
Napangiti ang Chief. Inilagay nila Alex at Mandie sa concealed waist holster and Smith and Wesson, at ang Pink Lady sa kanilang shoulder bag.
Chief Marco: Lahat ng lady agent natin dito loves that gun so I thought of issuing some to you too. Matrix and Ram will be your guide and back up. Kinukumpleto pa namin ang information tungkol sa insidente. I will call you in a day or two for briefing. For now I want you to go home Agent Ada, that is an order!
Tumango naman si Mandie, alam niyang ibinilin siya ng kanyang Chief sa Counterpart dito. Chief Norton is nice like that.
Chief Marco: Matrix ihatid na muna ninyo sila sa tutuluyan nila.
Mandie: Chief, pwede bang sa hospital na lang kami magpahatid?
Chief Marco: No problem, sabihin ninyo lang kay Matrix kung saan ninyo gustong pumunta.
Tinungo nga nila ang hospital. Pagpasok pa lang nila ay pinagtitinginan na sila ni Alex. Pareho silang nakaitim na woman's suit pero si Alex nakastileto si Mandie naman ay naka high heeled boots.
Nasa dulo pa lang ng aisle kung saan nandoon ang ICU ay nakita na agad ni Ice na naglalakad si Mandie kasunod nila Matrix at Ram. Tumawag agad ito kay Shawn at ang tanging sinabi "She's here." Napalabas ng kwarto si Shawn. Itinuro ni Matrix ang ICU kung nasaan ang kanyang Lolo. Tumayo si Mandie sa tapat ng ICU at pinagmasdan ang kanyang Lolo sa salamin, itinuro niya kay Alex ang lolo niya. Nakaalalay naman si Alex.
Pinagmasdan lang ito ni Mandie habang tumutulo ang luha. Halos kalahating oras ng itong ganon hanggang sa unti-unting bumangon ang galit nito sa dibdib, kumuyom ang mga palad. Luminga-linga na parang may hinahanap, at ng makita si Shawn sinugod ito ng suntok sa tyan, tagiliran, dibdib at isang sapak sa panga.
Lalapit sana ang mga tauhan nito, pero inawat sila mismo ni Shawn.
Shawn: Guys, step back she's my cousin Mandie.
![](https://img.wattpad.com/cover/171222246-288-k363954.jpg)
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomansaSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...