Kinabukasan ng umaga sa dining area sa bahay nila Mandie...
Joax: Anong oras umuwi si Amanda?
Maya: magaalas-diyes hinatid ni Jaybee. May pasalubong pa nga sa yong Charcoal Broiled Chicken eh. Pinuntahan ka sa kwarto pero tulog ka na kaya sabi ko huwag ka ng istorbohin.
Joax: Dapat ipinagising mo ako, importante yung paguusapan namin eh.
Maya: Masarap na nga ang tulog mo kapag nagising ka mahihirapan ka na namang bumalik sa pagtulog dahil dyan sa mga walang kwentang bagay na pinuproblema mo! Ikaw na ang inaalala, masama pa?
Tinalikuran na siya ni Maya. Nasalubong naman ito ni Mandie na nakakunot ang noo. Napaisip si Mandie... "ang aga-aga nakasimangot si Nanay bakit kaya?". Sa totoo lang namimiss na ni Mandie ang masayang agahan ng pamilya nila kapag weekend. Kahit walang pasok maaga silang lahat na nagigising kasi habang breakfast pinaplano nila ang weekend nila. Simula ng dumating si Shelby hindi na nangyari pa yon. Dumeretso si Mandie sa dining area, bumati at humalik sa pisngi ng ama.
Mandie: Good Morning Tay!
Joax: Anong nangyari sa yo kagabi?
Mandie: Ho?
Joax: Hindi ba tinext kita at sinabi ko sa yong hihintayin ka naming umuwi?
Alam ni Mandie kailangan niyang magdahilan at magsinungaling, isang bagay na hirap siyang gawin pero masama ang loob niya sa Tatay niya kaya sabi niya sa sarili "he deserves it."
Mandie: Tay may klase po kasi kame nung umaga, hapon na po namin napuntahan ang Lolo. Tapos ayaw pa kaming pauwiin agad. Nakipagkwentuhan pa. Ang dami nga niyang kwento tungkol sa mga bansang pinuntahan nila. Tapos sabi daw ni Lola Helen, next time sumama naman daw tayo sa kanila, Ang saya-saya ng Lolo, kaso ngayon sila lang sa bahay nalulungkot na naman. Sabi ko nga Tay dito na siya sa atin tumira para lagi siyang may kasama. Okay lang naman siya sa guestroom di ba po? And then I took Jaybee to dinner nakakahiya naman po kasi hindi pa ako nakakapagpsalamat sa lahat ng tulong niya nung party ko tapos sinamahan na naman niya ako kahapon.
Joax: So, inuna mo pa yung magdate kaysa umuwi? Amanda hindi dahil pinapayagan ka eh aabusuhin mo na. Hindi mo naisip na naghihintay kami. Alam mong importanteng solusyon ang kailangan sa problema ni Shelby hindi ka muna umuwi at kinausap kami.
Mandie: Tay, sandali lang naman kami kumain eh, talaga lang hong gabi na kaming nakaalis kila Lolo.
Joax: Mukha kaming tangang naghihintay dito. Nagaalala kung maganda ba ang balitang dala mo. HINDI KA NAGIISIP! SARILI MO LANG ANG INIISIP MO!
Narindi si Mandie, ang aga-aga kakagising lang niya, ni hindi pa siya nakakapagkape ito ang sumalubong sa kanya, hindi lang siya basta pinagagalitan, sinisigawan pa. "sarili ko lang ang iniisip ko eh inasikaso ko nga yung solusyon sa prublema ng babaing yan." Sagot ni Mandie sa isip niya.
Mandie: Alam ko naman pong importante kaya nga pinuntahan ko agad si Lolo. Kung tutuusin hindi ko nga po dapat inaasikaso ito dahil hindi naman natin problema ito. Kung si Shelby nga hindi nagmamadali eh bakit naman ako matataranta. I even told her na I'll bring her to see Lolo pero ayaw niya. Siya ang may problema pero ayaw niyang kumilos, inaasahan lang niya na iba ang kikilos para sa kanya.
Joax: She said, you offered to help, hiningi mo pa nga daw yung birth certificate niya eh.
Mandie: I did offer to help... hoping na marealize niya na kung ako nga pinipilit kong tulungan siya bat hindi niya tulungan ang sarili niya, siya ang lumapit sa Lolo. Eh hindi panay lang ang reklamo niya, panay ang iyak niya sa yo. Ayaw niyang kumilos eh di hintayin niya kung anong magiging resulta ng tinatrabaho ko!
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
רומנטיקהSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...
