Nang gabing yon, pinuntahan ni Joax ang kanyang dalaga na nagmumukmok sa kaniyang kwarto. Kumatok siya sa pintuan.
Joax: Mandie Darling are you still awake? Can Tatay come in?
Tumayo naman si Mandie mula sa pagkakadapa sa kama at binuksan ang pinto. Saka bumalik sa kama umupo at sumandal sa headboard.
Joax: Kamusta ang pakiramdam mo, may masakit ba sa mga pasa mo? Kung bakit ba kasi ang hilig mong hamunin ng sparing yung kababata mo eh? Manang-mana ka talaga sa Nanay mo. Pero alam mo ba, si Nanay hindi nakikipagaway ng basta-basta?
Napatingin si Mandie sa ama, parang hindi makapaniwala.
Joax: Your Mom is not a violent person pero ipinagtatanggol niya ang sino mang tao kapag alam niyang nasasaktan at naaagrabiyado ito. I know you have heard about stories of how your Mom was the siga ng Ayala Alabang Gilid before pero hindi siya basta isang siga na parang sanggano na may mapagtripan makikipagsuntukan na.
Mandie: Then why was she given that name Taytay?
Joax: She got that name kasi ibinubuking niya ang mga mandurukot at magnanakaw sa palengke at hindi siya makakapayag na makatakas ang mga ito kaya nakikipaghabulan at buntalan siya para mahuli ang mga masasamang loob na yon. Nilalabanan niya ang mga mangingikil sa mga kasamahan niyang tindera sa palengke. At ipinagtatanggol lang niya ang mga nangangailangan na tulong tulad nung tulungan niya si Tita Janine ng bugbugin ito ng isang lalake o nong mapasok ng mga magnanakaw ang mansyon ni Lolo Dada. Pero ayaw na ayaw niya talaga ng nakikipagaway ng walang dahilan.
Mandie: Really Taytay? I didn't know that.
Joax: Ako din, noon hindi ko pa alam, ipinagmayabang ko sa Hacienda ang galing niya sa pakikipaglaban, kaya nagkunwari ang dalawang tauhan na kinikidnap yung isang bata doon at ipinakita nila kay Nanay mo ayun nabugbog sila. Nagpalakpakan ang mga taong nakakita kaya galit na galit siya sa akin. Akala ko daw ba gusto niya ang makipagbuntalan at gusto niya ang manakit? Noon ko nalaman na makikipagsuntukan lang siya para ipagtanggol ang sarili at ang kanyang kapwa lalo na ang mga mahal niya sa buhay.
Mandie: That's what she told me when I was 10, she said I need to know how to protect myself and my loved ones if some bad people came. I don't really understand why but I really wanted to be like her. Protecting, saving and helping out people and because I think its cool to know karate and judo, kaya po I told her I want to learn them para pareho kami ni Naynay.
Joax: That's sweet Darling, Nanay would be happy to know that you wanted to be like her. You're luckier those because we can afford to send you to a karate and judo class. Si Nanay had to clean a gym for an extra two hours so she can join the class.
Mandie: Wow! Grabe pala si Nanay pero Taytay why did she learn how to fight and why does she want us to learn?
Joax: Kasi siya when she was nine she didn't know how to and her Tatay was killed in front of her at wala siyang nagawa. Hindi na nahuli pa ang pumatay sa Tatay niya. She doesn't want that to happen again.
Mandie: That's sad, ba't ngayon mo lang po sinabi sa akin Tatay. I thought before that he died with sickness. Nanay never talked about it, kahit sila Lola Nanay, Lolo Dadddy at Lolo Ninong hindi nila kinukwento how Lolo Tatay died.
Joax: Because it hurts them to remember.. lalo na si Nanay. But I told you so you will understand why your Nanay is hesitant to let you study and live alone somewhere far. Kaya sana don't hold grudges against her kung ayaw ka niyang payagang magaral sa ibang bansa, because to her, family is the most precious wealth she have in this world. Our family is her Joy.
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
Любовные романыSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...