Kakatapos lang ng session nila ng therapy ng magpaalam si Enrico kay Jaybee na pupunta ng grocery.
Jaybee: Ano bang kailangan mo o gusto mong kainin eh ang daming grocery dyan, kakapamili lang ng Nanay mo di ba?
Enrico: Sir, kasi gusto kong bumili ng grocery basket para kay Ate GÀanda. Hindi ba binigyan niya tayo ng pagkain, ayun gusto ko ng ibalik yung mga binigay niya. Dadagdagan ko na din ng mga bulaklak bilang pasasalamat.
Jaybee: Asus, didiskartehan mo lang yung kapitbahay natin kung ano-ano pang sinasabi mo.
Enrico: Ano ka ba Sir, Ate ko na nga yon, gusto mo ipapakilala kita. Mas bagay kayong dalawa eh.
Jaybee: Huwag na, wala akong panahon sa mga ganyan besides alam mong may nagmamayari na ng puso ko.
Enrico: Sus, sino yung absentee girlfriend mo na naman Sir, eh kahit minsan hindi ko nakita yon na dumalaw sa yo. Umaasa ka pa bang mahal ka non? Kung mahal ka non Sir, eh di sana sinamahan ka niya ditong magpagaling. Natutuwa ako sa kwentong pagibig ninyo Sir pero hindi ako natutuwa sa girlfriend ninyo. Dahil ang taong totoong nagmamahal hindi sumusuko at hindi ka niya dapat sinukuan. Hanap ka na lang ng iba Sir, parang walang paki naman sa yo yung girlfriend mo eh.
Jaybee: Tigilan mo ang pagsasalita ng kung ano-ano tungkol sa kanya kung ayaw mong palayasin kita ngayon din!
Nagulat si Enrico, natahimik...
Enrico: Pasensiya na po, aalis na lang po muna ako.
Jaybee: Wala siyang kasalanan, ako ang nangiwan, ako ang sumuko. Siya ang sinukuan ko. Sabihin mo sa Tatay mo ilabas ang Van at sasama ako sa yo.
Bahagyang napangiti si Enrico, noon lang kase niya narinig na gusto lumabas ng kanyang pasyente. Pero hindi siya nagpahalata dahil mukhang mainit pa rin ang ulo nito at kunot na naman kasi ang noo.
Inilabas ni Mang Estong ang SUV ni Jaybee. Isa itong VMI Honda Pilot. Wheelchair Accessible Van. Inorder pa ito ng kanyang Lolo sa US. Meron itong unobstructed door opening na may lapad na 33.5 inches at lawak na 32 inches at in floor ramp system. Naaalis din ang passenger seat nito sa bandang unahan para makapwesto doon ang wheelchair. Kaya walang kahirap-hirap na naisasakay ni Jaybee ang sarili sakay ng kanyang wheelchair.
Enrico: OMG! Meron ka pala nito Sir bakit hindi mo sinasabi akala ko naman ordinaryong van lang yang ginagamit ni Tatay. Kung alam ko lang eh di lagi ko kayong niyayayang lumabas.
Nang makasakay na si Jaybee ay excited na sumakay sa likod si Enrico.
Enrico: Sir, mas gwapo ka pala kapag nakapangalis ka kahit na simpleng jeans at sport shirt ka lang bagay sa yo.
Jaybee: Huwag mo na akong binobola at eto na nga at sasamahan na kita.
Tuluyan na nga silang umalis at nagtungo sa isang Supermarket. Bumaba din si Jaybee at sumama sa loob ng supermarket.
Jaybee: Oh kunin mo ang lahat ng ibinigay niya yung mga de lata gawin mong tig-tatatlo. Yung noodles at pansit tig anim na piraso. Tapos puntahan mo ako doon sa may mga prutas.
Nang pumunta si Enrico doon inabutan niyang kausap ni Jaybee ang Manager ng supermarket.
Jaybee: Oh ayan na pala, I want all this in a basket can you design one for me? Parang yung mga christmas basket ninyo?
Manager: No problem Sir, I'm sure we can find a big basket to fit all this. Kumpletuhin na po muna ninyo ang mga ilalagay ninyo, then I will personally take care of it.
Jaybee: Enrico, kumuha ka ng tigisang kilong ubas, manggang hinog, orange at apple. Sumunod naman si Enrico at inilagay lahat sa kanilang cart. Pagkatapos nagpunta si Jaybee sa Imported Goods Section. Kumuha ng Danish Bicuits at Swiss Miss na may marshmallows.
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomansaSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...