Ika-pito at kalahati ng umaga ng magkita-kita sila Joax, Maya. Baste, Janine, Jaybee at Mandie para sa agahan kinabukasan. Ika-siyam ng umaga ang registration at ika-sampu ang pagbubukas ng mga booth.
Habang kumakain...
Joax: Ready for your talk today?
Jaybee: Opo Tito.
Joax: Mandie, Darling may dinaramdam ka ba? Tahimik ka ata?
Mandie: It's nothing Tatay, still sleepy I guess. I'll just get some brewed coffee.
Maya: I'll go with you Darling, I need some too.
Nang nasa harap na sila ng coffee table tsaka kinausap ni Maya ang kanyang dalaga.
Maya: I know there's something wrong Darling, tell Nanay it might help to let it out.
Mandie: Nay, I'm afriad. I've been doing this job for more than two years and I was never afraid but today... am unsure of myself. I'm afraid that I won't be able to do my job and save him.
Maya: It's natural na matakot ka ngayon kasi the life of the person you love so dearly is at stake. Or should I say... the life of the only man you love is at stake?
Napatingin si Mandie kay Maya, at napaisip... "ganito ba siya kakilala ng kanyang ina para masabi nito sa harap niya ang hindi niya maamin sa sarili niya?"
Maya: Maaaring iniwan mo siya but it doesn't mean you love him less hindi ba? Ikaw mismo ang nagsabi ginawa mo yon dahil gusto mo siyang maging masaya at gusto mo siyang maging masaya dahil mahal mo siya. Noon, iniwan din ako ni Tatay mo, pero ginawa niya yon para hindi na magalit si Nanay. May kanya-kanya tayong paraan sa paglutas sa mga suliranin natin but It all boils to one reason kung bakit natin ginagawa ang mga yon... that is "dahil nagmamahal tayo."
Mandie: It is embarrassing Nay eh.
Maya: Nahihiya kang aminin na nagkamali ka ng makipaghiwalay ka sa kanya? Eh di huwag mong aminin. Tapos na yon eh wala ka ng magagawa don, hindi mo na mababawi pero pwede mong sabihin sa kanya ang nararamdaman mo ngayon... yun naman ang importanteng malaman niya... kailangang malaman niya ngayon, na natatakot kang mapahamak siya dahil mahal mo siya.
Mandie: You think, it would be good for him to know now?
Maya: I think so anak, Alam kong alam mo kung gaano ka kamahal ni Jaybee at palagay ko magiging masaya siyang malaman na walang nagbago sa nararamdaman mo sa kanya noon.
Mandie: Meron Nanay eh...
Maya: Huh? Hindi mo na siya mahal?
Mandie: Mas mahal ko na siya ngayon.
Napangiti si Maya sa pamumula ng mukha ng kanyang anak.
Mandie: Then tell him... you might be surprise of what the power of love can do.
Niyakap ni Mandie si Maya at nagpasalamat at bumalik na sila sa mga kasama at pinagpatuloy ang pagaagahan. Bago pa sila matapos nakita na nilang magkakasama ang Security Team at magaagahan na din.
Makalipas ang isa't kalahating oras nasa kanya-kanya ng kwarto ang mga ito at nagsisipag-ayos. Nakabihis na si Mandie at nagpapatuyo ng buhok ng lumabas si Jaybee ng banyo ng nakatapis lang.
Jaybee: Sorry, hindi ako sanay magbihis sa loob ng banyo eh.
Mandie: It's okay... I'm done anyway, sa living room na lang ako magme-make-up.
Jaybee: Am not asking you to leave...
Napalunok si Mandie pero nagkunyaring patay malisya.
Mandie: Puro ka na naman kalokohan eh. Get dressed na nakakahiyang malate pa tayo nandito na nga tayo sa hotel eh.
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
Storie d'amoreSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...