Chapter 40 - His Fury

668 96 18
                                    

Samantala, sa isang Private Beach Resort sa Puerto Galera nakatanaw sa dagat si Jaybee habang nakaupo sa wheelchair.

Nasa salas naman ang kanyang mga magulang at Lolo.

Baste: Kalokohan na itong ginagawa ninyo Dad. Hindi na batang paslit yang apo ninyo. He's 27 for God's sake. He has to be man enough para harapin ang mga problema niya. Hindi yung ganito. Pati pagaaral ni Jeanie at ng mga bata nagsa-suffer. Pumayag ako sa gusto ninyo na magbakasyon yon lang. May mga negosyo sa Maynila na kailangang asikasuhin. Magiisang buwan na tayo dito wala namang nangyayari. Hindi gagaling yang apo ninyo ng nakaupo lang diyan!

Janine: Baste ano ba, si Papa ang kausap mo! Respeto naman.

Baste: I'm sorry Dad pero I've had enough of this. Pinagbigyan ko na kayo... I am now dealing this the way it should be dealt with.

Art: Pero Baste baka makasama sa kanya...

Baste: Tama na Dad, alam nating lahat kung anong makakasama sa kanya at kapag hinayaan natin siya sa depression babagsak yan. Hindi na yan physical... psychological na yan. Kung hindi saan ka nakakita ng taong alam naman niyang pwede siyang gumaling pero ayaw niyang magpagamot? May pinanggagalingan ang kawalang pagasa niya yon ang kailangan niyang malaman.

Janine: Pero Baste sabi ng Doctor, we cannot force information into him. We have to wait na siya ang magtanong.

Baste: Wait? Hanggang kailan? Hindi magtatanong yan dahil binalot niya ng galit ang puso niya. Galit na napakababaw ng dahilan. Kung hindi baluktot magisip yang anak mo, eh di sana matagal na niyang alam na buhay si Mandie at nababaliw na yung tao sa kakahanap sa kanya. Iniwan niya at tinalikuran si Mandie nung oras na kailangang-kailangan siya nito. Para saan, dahil saan? Dahil sa pagse-self pity niya. Si Mandie na walang ibang inisip kung hindi ang kaligayahan at kapakanan niya. Si Mandie na walang ibang inisip kung hindi ilayo siya sa kapahamakan. Si Mandie na kahit ilang beses na niyang sinaktan, ay hindi siya nakuhang kalimutan. Si Mandie...

Jaybee: ENOUGH! AYOKONG MARINIG ANG PANGALAN NIYA!

Humarap si Baste sa anak, nakipagtitigan dito...

Baste: Sasabihin ko ng paulit-ulit ang pangalan niya hanggang gusto ko! Amanda Maine Mendoza Capili, si Amy sa kanyang mga malalapit na kamag-anak, si Amanda sa kanyang Lolo Rick, si Mandie sa kanyang mga kaibigan at si Agent Ada sa mga taong katulad mo na paulit-uit niyang inililigtas. si Mandie, MANDIE... MANDIE... MANDIE... MANDIE... MANDIE.

Jaybee: TAMA NA! AYOKO NANG MARINIG ANG PANGALAN NIYA!!!

Inilapit ni Jaybee ang wheelchair sa ama habang paulit-ulit na isinisigaw ni Baste ang pangalan ni Mandie.

Baste: Ano, sige pigilan mo ako, tumayo ka dyan at takpan mo ang bibig ko o kaya tumayo ka at paduguin mo sa suntok ang bibig ko para mapatigil mo ako. Gawin mo Sebastian. Tangina! TUMAYO KA DIYAN! TAYO! MAGPAKALALAKI KA, LUMABAN KA! LABANAN MO AKO! GUSTO MONG TUMIGIL AKO SA PAGSASALITA... TUMAYO KA!

Nagwawala lang si Jaybee, sinusuntok ang kanyang ama sa tyan sa tagiliran pero hindi ito tumitigil sa pagbanggit sa pangalan ni Mandie. Humagulgol na si Jaybee. Pilit tinatakpan ang tenga niya para hindi marinig ang sinasabi ng ama.

Baste: Buhay si Mandie, buhay na buhay ang babaeng pinapatay mo sa isip at puso mo. Lahat ng tama niya ay flesh wounds. Binaril siya ng isa sa kasamahan niya para mapapaniwala si Vivien na kakampi niya ito at walang kahirap-hirap nilang naaresto. Nakita mo siyang bumulagta at duguan oo pero humihinga at buhay. Yan ang sagot sa tanong na dapat matagal mo ng tinanong pero hindi mo ginawa dahil nagagalit ka sa kanya dahil binago niya ang plano at inalis ka sa tiyak na kapahamakan.

Jaybee: PINAGMUKHA NIYA AKONG TANGA! PINAGMUKHA NIYA AKONG MAHINA! pinagmukha niya akong mahina na hindi kayang harapin ang panganib na yon. Kahit kaylan wala siyang tiwala sa kakayahan ko. Hindi siya nagtiwalang matutulungan ko siya noong naglayas siya kaya siya umalis ng hindi nagsasabi sa akin; Hindi siya naniniwalang kaya kong alagaan ang isang relasyon kahit magkalayo kami kaya nakipaghiwalay siya sa akin. Tapos hindi siya naniniwalang makakaya kong harapin ang panganib ng kasama siya. Hindi siya naniniwalang makakaya kong iligtas ang sarili ko at iligtas siya. Now, tell me Papa, mali bang magalit ako?!

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon