Maayos naman ang pagsisimula ng relasyon ni Jaybee at Mandie kahit pa hindi sila pinapansin ni Maya. Hindi yon naging hadlang para sa kanila dahil desidido si Mandie na ipaglaban ang kasintahan.
Kahit na hindi sila magkasama sa trabaho dahil sa La Memoria Branch Out Project halos araw-araw din silang magkausap sa telepono, halos dalawang beses isang linggong magkasama sila sa meeting kasama si Shawn at ang Research and Development Team sa pangunguna ni Jeanie. Lahat naman ng mapagusapan nila ay si Shawn at Jeanie ang nagrereport sa Board kaya hindi nila halos nakakasama si Maya.
Madalas din na isinasama ni Don Ricardo si Mandie sa mansyon nito para sa kanilang daily meeting tungkol sa La Memoria Branches na itinatayo nila at doon na ito sinusundo ni Jaybee pagkatapos ng trabaho sa araw-araw, kumakain sila ng hapunan sa labas halos gabi-gabi at saka niya ito inihahatid sa bahay.
Minsan isang gabi... mainit ang ulo ni Maya dahil halos hindi nila nakakasama sa bahay si Mandie. Kapag umuuwi kasi ito tulog na ang mga kapatid. Nasa kusina si Maya at nagliligpit habang nakaupo si Joax sa dining table at binabasa ang ilang papeles na dinala mula sa trabaho.
Maya: Anong oras na Joaquin wala pa ang panganay mo! Uwi pa ba ito ng matinong babae?
Joax: Hindi ba alam mong araw- araw siyang pinadadaan ni Daddy sa mansyon para sa update ng project. Besides you don't have to worry hindi naman pababayaan ng Daddy na umuwi ng hindi ipinahahatid sa driver.
Maya: Ipinahahatid sa driver o ipinasusundo kay Jayvee?!
Joax: See... you already know so bakit ka nagwoworry? Ah hindi ka kasi nagwoworry, instead nagagalit ka na pinababayaan ng Daddy si Mandie na sumama kay Jaybee. Hindi ko alam kung nakalimutan mo na o pilit mo lang talagang ginagalit ang sarili mo eh. You of all people know how much our daughter feel for Jaybee. You of all people also know how miserable it feels na pilit kang pinalalayo sa taong mahal mo. Huwag mong sabihing nakalimutan mo na.
Maya: I KNOW!
sabay suntok sa lamesa...
Maya: That is why I am mad, I won't take it sitting down anymore if that man hurts our daughter again Joaquin! So, not unless I see a proof of how much he feels for Mandie and that he will never hurt her again. I will never give in! Mark my word Joaquin the next time Mandie cries because of him, tatamaan na talaga sa akin yung inaanak mo!
Naiiling na lang si Joax. Alam niyang galit na ang asawa dahil dumederetso na ang english. Tumayo siya, nilapitan ito at niyakap mula sa likod.
Joax: Mahal... Jaybee is your bestfriend's son, at alam kong alam mo kung gaano ka kaimportante kay Jaybee at kung siya lang ang masusunod hindi magpapakita yon sa yo hangga't nagagalit ka, ganoon ka niya nirerespeto. Pero naiipit yung bata gusto niyang patunayan kay Mandie ang pagmamahal niya hindi niya magawa dahil humihinto pa lang ang sasakyan niya sa tapat ng bahay salubong na yang kilay mo. Kaya hindi mo din masisisi ang Daddy na gumawa ng paraan para tulungan sila dahil alam mo naman na mahal na mahal ng Daddy si Mandie at gagawin nito ang lahat mapaligaya lang ang anak natin.
Maya: So anong ibig mong sabihin hindi ko mahal ang anak ko?!
Joax: Hindi naman mahal, magkaiba lang kayo ng paraan ng Daddy ng pagpaparamdam kay Mandie non. Right now, I think yung paraan ni Daddy ang nagwo-work para kay Mandie. Natatakot lang ako mahal dahil baka tuluyang mapalayo ang loob ni Mandie sa yo sa ginagawa mo. Naalala mo ba noong pinagbawalan kang makipagkaibigan sa akin ni Nanay Berna, hindi ba sumama din ang loob mo sa kanya.
Hindi nakaimik si Maya, napabuntunghininga na lang na yumakap sa asawa habang nagiisip. Niyakap na lang din ni Joaquin ang asawa at hinalikan sa buhok.
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomanceSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...