Chapter 21 - Unexpected

757 95 19
                                    

Sa Asian Hospital dinala ni Maya at Jaybee si Mandie. Nasa labas ng Emergency Room naghintay si Maya at Jaybee. Makalipas ang isang oras lumabas ang doctor mula sa Emergency Room.

Dr. Franco Rivera:  Maya...

Napatayo si Maya at Jaybee.

Maya:  Dr. Franco, kamusta ang anak ko?

Dr. Franco Rivera:  Normal ang lahat ng vitals niya, nagamot na din namin ang mga sugat niya. Pero unconscious pa rin siya.  May mga nakita kaming bumps and bruises sa ulo niya kaya malamang na nauntog siya ng makailang beses.  Kaya we did a CT Scan wala naman kaming namataan that might have caused  a traumatic head injury.  But the bumps might have caused a little impact kaya hindi pa siya nagigising.

Napaiyak si Maya at niyakap ito ni Jaybee.

Dr. Franco:  Maya you don't have to worry, tulad ng sinabi ko sa yo normal ang lahat ng vitals niya para lang siyang natutulog.  

Jaybee:  Gaano katagal ho kaya siyang ganyan?

Dr. Franco:  It can be 30 minutes to six hours. Pwede din na kumilos muna siya kahit hindi nagbubukas ng mata pero eventually magigising din siya ng tuluyan.  Any development just let me know.

Maya:  Thanks Doc!

Dr. Franco:  I already sent a room request, we will just fix her up tapos itatransfer na natin sa Private Room.  Although kakabitan namin siya ng vitals signs monitor para mabantayan natin for the next 6 hours.

Dumating doon si Baste at Janine habang inililipat si Mandie sa kwarto. Napayakap si Maya kay Baste ng makita ito at umiyak. Niyakap naman ni Janine si Jaybee.

Baste:  How is she?

Jaybee:  Papa her vitals are normal pero unconscious pa siya.  

Janine:  Is she in any danger?

Jaybee:  The doctor said, she's okay, nothing to worry about, she's just like sleeping pero they still need to observe.

Baste:  Best, tama na ang iyak, ligtas naman si Mandie, natutulog lang.

Maya:  Best, tignan mo nga ang itsura ng anak ko? Sinaktan ng babaeng  yon si Mandie. Tapos si Joaquin walang nagawa. Hindi ko na maintindihan eh.

Baste:  Ang hindi ko maintindihan, papanong nasaktan ni Shelby si Mandie eh si Jaybee nga tsambahan kung manalo sa suntukan sa anak mo?

Maya:  Pinabayaan niya, hindi siya lumaban.  Pakiramdam ko she want us all to see kung anong totoong ugali meron ang babaeng yon and she let herself get hurt para may dahilan siya para mapaalis at kasuhan si Shelby. Ang kapal kasi ng babaing yon, ayaw ng umalis!  Ang sarap talagang sapakin.

Janine: She's a very smart lady. Very quick thinker.

Jaybee: She sure is, we all wanted to strangle that woman but Mandie stopped us and said do not give her anything that she can use against us.

Napanguyngoy na naman si Maya sa sama ng loob, habang yakap pa rin ni Baste at nakayupyop sa  dibdib nito.  Yun ang inabutan ni Joax at Robby pagdating  nila.  Napatingin si Joax kay Maya at Baste bago tuluyang  lumapit sa gilid ng kama ni Mandie. Nakatitig lang si Joax kay Mandie, gusto niyang haplusin ang namamagang mukha ng anak pero hindi niya alam kung alin ang uunahin. Hindi niya halos makilala ang mukha nito, putok ang kilay, putok ang labi namumula ang mga pisngi at halos mamaga ang buong mukha, Napakadaming kalmot sa leeg at braso at mga pasa kung saan-saan.

Maya:  Joaquin tignan mo ang ginawa ng babaing yon sa anak ko!  Hanggang ngayon wala pa rin siyang malay.  I swear Joaquin kapag may nangyari masama kay Mandie hindi kita mapapatawad!

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon