Chapter 45 - Hopeful

1K 98 21
                                    

Masaya, maganda ang mood at inspirado si Jaybee ng mga sumunod na araw. Patuloy ito sa kanyang pagtetherapy at dahil pursigidong gumaling pinipilit niya araw-araw na makatayo at ng araw na yon nakatagal siya ng sampung segundong nakatayo. Maaaring maikli lang yon pero para sa kanya isang malaking pagbabago na yon. Dahil ang sampung segundo pwedeng maging sampung minuto, dalawampung minuto o kahit isang oras pa.

Pagkaligo ay nagpatulong ito kay Enrico na pumili ng isusuot.

Enrico: Sir, pupunta ka sa meeting eh di syempre dapat yung suit mo.

Jaybee: Nakakasawa na eh, gusto ko yung pormal pero ragged yung pang young enterpreneur hindi pang Don ang dating.

Bahagyang nagisip...

Enrico: Hmmmmm eto na lang Sir... black na fitted slacks tapos v-neck na t-shirt etong light grey na may pin stripped na black at itong black fitted blazer tapos itong Sebago Docksider.

Isinuot naman ni Jaybee isa-isa at ng maisuot ng lahat ay inilapit ang wheelchair sa harap ng salamin at dahan-dahang pinilit na tumayo. Tinitigan ang sarili ng limang segundo at naupo na ulit.

Enrico: Oh di ba Sir, mukha kayong batang-batang negosyante.

Jaybee: Ganito ang mga ipinasuot sa akin nung designer noong nagpictorial ako para sa magazine.

Enrico: Bagay sa inyo Sir, lamang lang ng isang paligo sa inyo yung pambansang Bae ng GMA!

Jaybee: Puro ka na naman kalokohan eh. Let' s go.

Nagtungo sila sa location ng subdivision na dinidevelop nila . Nagsite visit at nakipagmeeting sa mga Engineers at Architects ng nasabing project. Biniro siya ng mga ito na mukhang blooming daw siya at masaya. Ngumiti lang siya. Tinukso pa siya na may nagpapaganda na daw ata ng araw niya. Napapailing at ngiti lang ang isinagot niya sa mga ito.

Matapos ang meeting pinagusapan nila ang nalalapit na open house at napagkasunduan na mag-ocular inspection sa Venue kaya dinala ni Jaybee ang mga ito sa Retrospect Bar and Restaurant.

Pagpasok pa lang ng sasakyan narinig na ni Jaybee na nagradyo ang gwardiya... "Papasok si Sir Jaybee over. " Kaya nasa garahe pa lang sila sinalubong na sila ni Claire.

Claire: Good Morning Sir! Welcome to Retrospect Bar & Retaurant!

Jaybee: Good Morning Claire! Pwede ba kaming mag-ocular. This are my associate gusto nilang makita yung area kung saan gagawin ang open house.

Claire: Sure Sir, No problem.

Dinala sila ni Claire sa Fine Dining Area.

Claire: This is the Restaurant's Fine Dining Area. Where we held most ocassions like birthdays or weddings. This can sit 70 pax. For your Open House, The tables will be changed into cocktail tables. A pica-pica buffet and refreshment bar will be set up on the side. The connecting garden area will also be included.

Tumango-tango naman ang mga kasama ni Jaybee.

Claire: Sir, we have two more options... we would like you to see.

Jaybee: Talaga?

Claire: Yes Sir, we don't offer this to others but since you are one of our valued Customer the Owner suggested two other options. If you will just follow me...

Sumunod sila kay Claire at dinala sila nito sa entrance ng B&B.

Claire: Welcome to La Casa Memoria Bed & Breakfast Lobby Lounge. If you want a more relaxing feel. Like you are in your own living room at your new house at the Muelle Beachview Village, this is the right place to hold your open house.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon