Chapter 46 - Greatest Fears

941 102 31
                                    

Sabado ng linggong yon, lumuwas  ng Maynila si Enrico para sa buwanang pagrereport niya kila Baste at Janine tungkol sa kalagayan ni Jaybee.  Naisipan ni Jaybee na sumama sa pamamalengke nila Mang Estong dahil nababagot siya sa bahay kung maiiwan siyang magisa.

Jaybee:   Tay, sasama ako, mamimili ako ng mailuluto ko para sa makalawa. Iimbitahan ko si Mandie sa isang hapunan sa bahay.

Mang Estong:  Aba eh maganda yang naisip mo.

Jaybee:  Kasi Tay Estong, bibihira sa mga restaurant o resort dito ang wheelchair friendly eh. Eh alangan namang idate ko siya sa sarili niyang restaurant? Kaya naisip ko ipagluluto ko na lang siya tapos magpapatulong na lang ho ako sa inyo ni Echo na magset-up ng isang Cavana sa may beach front para sa dinner date namin.

Mang Estong:  Aba eh, maganda ngang idea yan. Sige, halika na at ng makarating tayo sa grocery ng kabubukas pa lang at wala pang masyadong tao.

Maagap nga silang nakarating sa grocery. Kumuha ng ilang pirasong rib eye steak, salmon mga gulay at kung ano-ano pa. Nagpunta rin siya sa  pwesto ng mga prutas na nasa malapit sa wine section.  Nagtingin-tingin ng mga wine. Isa-isang binasa ang mga nasa bote ng pinakamamahal na red at white wine na naroroon. 

Nakatutok siya sa paghahanap at pagpili ng  wine nang marinig niya ang boses ni Mandie.  

Mandie: Mat, let's buy some fruits from here na lang mukhang bagong delivery naman ito kaysa lumipat pa tayo sa palengke.

Matrix:  Sige, tsaka madaming tao sa palengke baka mamaya mahirapan pa tayo.

Bahagyang sumilip si Jaybee sa gilid ng mataas na kabinet na nasa pagitan niya at ng fruit stand.  Nakita niya si Mandie na kausap si Matrix na may tulak ng shopping cart.

Matrix: Get 3 kilos each of the apple, ripe mango and grapes.  Ginagawang snacks ni Macey ang mga yan eh.

Mandie:  Speaking of Macey, nasan na ba yon? Baka mawala ang batang yon.

Biglang may tumatakbong batang babae na mukhang magaanim na taong gulang.

Macey:  Mommy Mandie... Mommy Mandie... can I get some of this snacks?

Mandie:  Of course dear... anything you want.

Matrix: Macey, didn't I told you not to wander around?  Mamaya may kumuha sa yo. Ano na naman yan?  Ang dami na namang junk food niyan eh told you it's bad for your health di ba?

Macey:  Daddy, am not allowed to eat this at home with Lola  na eh. Vacation naman po eh.  Promise I won't eat too much, I'll share it with my cousins and Tita's.  Sige na Daddy please... Mommy Mandie said its okay naman eh.

Matrix:  See what you did?  Mai-spoil yan eh.

Mandie:  Hayaan mo na ngayon lang naman beside she's a smart girl she knows that its still not allowed when she goes back home.  Right darling?

Macey:  Yes po Mommy... promise Daddy I won't eat too much here and I won't eat it ever when we get back home.

Matrix:  Fine!  Make sure that you keep your promise!

Macey:  I will thanks Daddy.  Thanks Mommy!  I love you both!

Ngumiti si Mandie kay Matrix at hinaplos ito sa braso at saka naglakad na ang mga itong palayo sa lugar na yon.

Biglang nagsalita si Mang Estong... 

Mang Estong:  Hijo, nakapili ka na ba?  Nakapila na kami sa cashier para magbayad. 

Iniabot ni Jaybee ang tig-isang bote ng white at red wine kay Mang Estong. 

Jaybee:  Tay Estong, pahiram na ho ng susi at masama na ang pakiramdam ko.  Mauuna na ho ako sa sasakyan.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon