Masaya ang summer na yon para kay Jaybee at Mandie.
During the weekdays, magkasama silang nagsa-summer job sa Jan's Executive Lounge. Tinutulungan at ipinapaalala nila sa isa't isa ang mga dapat gawin sa kanilang trabaho. Kapag breakfast bago pa maubos ang laman ng salad bar at pastry bar sinasabi na agad ni Jaybee kay Mandie kaya hindi nauubusan ng laman ang mga iyon. Kapag inaantok si Jaybee dahil walang masyadong customer. Ineencourage ito ni Mandie na magpaturo sa ibang waiter tungkol sa pagtatable setting para nalilibang ito. Habang siya naman inaaral na mabuti ang mga recipe at technique ng pagluluto na itinuturo ni Chef Giovani.
Kapag sabado naman at araw ng kanilang Martial Arts class. Magkasabay din na umaattend ng kanilang klase sila Mandie at Jaybee. Pagkatapos... nageextend sila ng isang oras para sa training sa inter-school competition nila kasama ang mga iba pang magagaling na kaklase nila.
Lagi na ding isinasabay ni Jaybee si Mandie pauwi at kadalasan sa mall na sila na nananghalian o kaya naman naiimbitahan sila ni Maya na sa bahay nila mananghalian katulad ng sabadong yon...
Kakadating lang nila sa bahay nila Joax at pinagbuksan ni Jaybee ng pinto ng kotse si Mandie. Sakay nila si Nitoy sa likod.
Jaybee: Tito Nitoy thanks again.
Nitoy: Walang problema pangkin basta kayo ni Mandie. Sige na, iuuwi ko na itong sasakyan ha at ipapacarwash ko pa ito.
Mandie: Tito Nitoy, kain ka po muna.
Nitoy: Naku hindi na busog pa ako sa burger na kinain ko kaninang hinihintay ko kayo.
Mandie: Okay po Ingat.
Nauna ng naglakad papasok ng bahay si Mandie.
Mandie: Come in, Naynay... we're here.
Lumabas sa kusina si Maya bitbit ang isang bandehado at ibinaba yon sa dining table.
Jaybee: Hi Tita Ninang!
Mandie: Oh, mabuti nandito na kayo, you're just in time. Joaquin nandito na mga bata kumain na tayo.
Bumaba ng hagdan si Joax kasama ang kambal na si Josh at Rica at kasunod si Jonas. Sabay pa na humiyaw ang tatlo ng "KUYA JAYBEE!"
Nakipaghigh-five si Jaybee kay Jonas at Josh. Humalik naman sa pisngi niya si Rica.
Jaybee: Hello, Little Princess.
Rica: Ate, I told you I am his Princess di ba?!
Mandie: Oo na po. Go sit down na, its time for lunch na.
Jonas: Kuya Jaybee, ilan ba napatulog mo sa sparing ngayon?
Jaybee: Hindi kami nagsparing eh, puro practice routines. May exhibition performance kasi kami eh. Ikaw kailan ka magtetake ng karate lessons?
Jonas: Sabi ni Tatay next summer daw, tapos ko na non yung Milo Best.
Joax: Magaling ng magbasketball yan Jaybee, tatalunin na tayo niyan.
Jaybee: Naku mukhang mapapalaban na si Kuya Shawn mo ah.
Maya; Tama na muna ang kwentuhan pakainin na ninyo yang si Jaybee.
Kaya kumain na sila ng tanghalian. Matapos mananghalian, lumipat sila sa garden at doon uminom ng tsaa at kumain ng ice cream ang mga kapatid ni Mandie.
Joax: Balita ko pasok na kayong lahat sa PMA ah. Tuwang-tuwa si Shawn eh.
Jaybee: Oo nga po eh. Mageenroll na nga po sila eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/171222246-288-k363954.jpg)
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomanceSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...