Chapter 63 - Pagtatalo

815 66 21
                                    

Sa kabilang banda... Tahimik na pumasok ng bahay si Mandie at dumerecho sa veranda sa second floor para silipin ang pagalis ni Jaybee. Nakita niya na blanko ang mukha nitong naupo sa harap ng manibela. Tulalang tumunghay sa hawak nitong cellphone at bumuntunghininga. Malungkot itong pinagmasdan ni Mandie habang nagiisip at pilit binabasa ang ekspresyon sa mukha ng kasintahan. Ilang minutong lumipas at pinaandar na ni Jaybee ang sasakyan at tuluyang nilisan ang tahanan ni Mandie.

Dinukot ni Mandie ang cellphone mula sa kanyang shoulder bag at nagtext kay Jaybee... "Take care going home. Let me know when you're home na. Love u!"

Pumasok na siya sa sariling kwarto, nagbihis ng kanyang pantulog at nahiga sa kama para hintayin ang text ni Jaybee. Pero lumipas na ang ilang oras at nakatulog na si Mandie ay wala pa ring message mula kay Jaybee.

Pagdating ni Jaybee sa kanyang tahanan ay masaya siyang sinalubong ng kanyang pamilya.  Tumatakbong yumakap si Jeanie at hinagkan siya sa pisngi.

Jeanie:  Happy Birthday Kuya!

Ngumiti si Jaybee at sinuklian ng mahigpit na yakap ang kapatid.

Jaybee:   Thanks Sis!

Tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa ang magasawang  Baste at Janine at binati ang anak.

Janine:  Happy Birthday Darling! 

Baste:  Happy Birthday Son! Mukhang sinulit mo ang birthday present ni Mandie ah.

Jaybee:  She did so much Pa, I just want her to feel that I appreciated what she did.

Nagkamay ang magama habang iniyakap naman ni Jaybee ang kabilang braso sa  bewang ng yumakap na ina.

Janine: Well, we knew what she planned but I wanted to hear it from you... so how was it?

Jaybee:  The whole set up was lovely... she even set the mood, the dim lights, candles, silk table clothes  basta yung buong pad ko looked elegantly clean and refreshing.  The whole place ang bango-bango just like her.  The food was superb, parang international chef ang nagluto pati presentation.  It was a once in a lifetime experience Mom. Mandie made me fee loved that's for sure.

Jeanie: Aaawwwwww kinikilig ako!

Nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Enrico.

Enrico:  Sir! Buti naman nandito ka na at least may makakausap na akong matino.   Hindi yung lagi ako nosebleed dito sa kapatid mo o kaya dumudugo ang tenga ko sa mga tili niya.

Jeanie:  Can you just shut up and bring the ice cream, ang tagal-tagal mo!

Enrico:  Matagal? Wala pa ngang 20 minutes nakabalik na ako, hindi ako si the Flash no!  Besides I am just doing you a favor. oh English yan ha. Kokonti na nga lang laman ng baul ko inuubos mo pa!

Natawa silang lahat.  Naiiling na lang si Jaybee sa pagbabangayan ng kanyang Therapist turned barkada at sa kanyang kapatid.

Baste:  Oh tama na yan, mamaya may mapipikon na naman diyan.

Enrico:  Ay oo nga po Tito, baka magwalk-out queen na naman ang ale!

Inambahan ni Jeanie si Enrico.

Janine: Jeanie that's not how a lady should act.

Jeanie:  Nakakainis kasi yan si Echo eh... he always annoys me.

Jaybee:  Tama na Enrico, para hindi na humaba pa magpalabas ka na lang ng mga ice cream glass para makapagdessert na tayo.

Mabilis namang sumunod si Enrico.  Naupo na ang maganak sa sala at nagpatuloy sa pagkukwentuhan habang inihahain ng katulong ang ice cream. Naupo si Enrico sa tabi ni Jaybee.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon