Katatapos lang ni Mandie na magshower at lumabas siya ng banyo para magbihis ng marinig niyang tumunog ang cellphone niya. Ilang magkakasunod na notification sa kanyang Instagram ang nakita niya. Tinignan niya ito at nakita niya ang post ni Shawn, pinusuan niya ito. Nabasa din niya na nilike nila Chloe at Julia... may pahabol pang caption na... "see you Jaybee."
Napangiti siya ang nasa isip... "He came, he really came!."
Masaya na siyang nagbihis, may usapan na silang magkikita ng Starbucks sa Camp John Hay ng tanghaling yon.
Pagpasok ni Mandie ng Starbucks nakita na agad siya ng mga kaibigan. Napatili pa nga ang mga ito at masayang nagyakapan. Madalang pa naman ang pagpasok ng mga tao ng mga oras na yon.
Chloe: Girl, what brings you here? It's good that you came to visit.
Julia: Oo nga girl we missed you, kasi naman bakit hindi ka na lang dito sa St. Louis University magenroll para magkakasama tayo eh.
Mandie: I missed you too. Oh let's order na for food.
Magkakasama naman silang umorder ng kanilang pagkain. Nang makabalik na sila sa lamesa at nagsimulang kumain, nagsimula na din ang kanilang kwentuhan.
Julia: Kayo talaga ni Jaybee, ibang klase! Pupunta din naman pala siya dito eh bakit hindi pa kayo nagsabay?
Chloe: That's right! Arte-arte niyong dalawa.
Mandie: Girls, I ran away from home...
Julia: What? Why?
Chloe: What happened? I mean I know you mention in passing about a certain girl na baka anak ng Tatay mo? So is she?... really your sister?
Ikinuwento na ni Mandie ang buong pangyayari sa mga kaibigan. Nagpupuyos sa galit ang dalawa ng malaman ang pananakit na ginawa si Shelby sa kaibigan nila.
Chloe: Naku kung ako yon, baka kinalbo ko siya bago ko siya ipakulong!
Julia: Grabe may tao palang ganon, sabagay what do we expect eh nakilala nga natin si Vivien di ba? They are somewhat the same kind. Nakakinis!
Chloe: So, how are you now? Sigurado ka bang okay ka na?
Mandie: Yah, I'm feeling a lot better and my eyes are completely back to normal.
Julia: So, san ka ngayon tumutuloy?
Mandie: I just booked on the first transient how I found near the bus terminal. Kasi after this weekend I plan to go back to Manila to fix my papers.
Julia: Transient House? Ikaw? Seryoso?
Chloe: So plano mo palang tumuloy sa US?
Mandie: I don't know until when my money would last. Kaya kailangan magtipid. If my Visa will be approved, if not I will come back here to wait for another 6 months. Anyway, so how are we going to meet the boys?
Chloe: May Silent Drill ang mga Cadet at 2pm... we can go and watch. Tapos they can leave at around 5pm.
Julia: Malamang Jaybee will be there. Teka kamusta na nga pala kayo?
Mandie: Kami na, sorry I didn't get the chance to let you guys know. Got too much to think of eh.
Chloe: We are happy for you. It is about time.
Julia: Pero teka eh aalis ka din naman eh, papano si Jaybee?
Nagkibit-balikat si Mandie...ang totoo hindi niya kasi alam kung papano tatanggapin ni Jaybee ang mga desisyon niya. Kaya nga hindi niya ito naiwanan ng sulat dahil hindi niya alam kung papano magsasabi dito. Lalo na kung papano magpapaalam sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/171222246-288-k363954.jpg)
BINABASA MO ANG
Astig II (The Promise)
RomanceSi Jaybee at si Mandie parehong Astig sa kanya-kanyang larangan. They know each other but they don't treat each other as friends. Wala silang history pero palaging nagkukrus ang kanilang daan. Pagkakataon, tadhana o coincidence ba? Ang iisang ba...