Chapter 61 - Birthday Gift

871 82 13
                                        

Nagluksa ang pamilya at mga kaibigan sa pagkawala ni Becca.  Para maibsan ang pangungulila sa apo bumuo ng isang foundation si Berna sa tulong ni Ricardo at Rodrigo at tinawag itong,  "Love your Heart Foundation" isang private organization na naglalayong tumulong sa mga batang may mga sakit sa puso. 

Naglagay din sila ng pondo para sa medical assistance ng mga miyembro ng foundation at nakakuha din sila ng mga volunteer cardiologist at pediatricians na nangalaga sa mga pasyente at nagbibigay ng libreng consultasyon.  Nagbibigay din sila ng mga counselling sessions para sa mga magulang. Itinuturo sa mga ito ang lahat ng kanilang kailangang malaman, maramdaman at kung papanong haharapin ang bawat phase na dulot ng sakit sa puso.   Sumasama si Mandie at Jaybee sa mga activity ng organization.  Naging matagumpay naman ang foundation at marami din itong mga bata at magulang na natulungan.  Madali namang natanggap ng pamilya ang pagkawala ni Becca pero kay Mandie isang takot ang naiwan.

Lumipas ang anim na buwan, isang hapon yon kaarawan ni Shawn at nagimbita ito para sa isang salu-salo sa bahay nila sa  Havensville.  Mapagpasyahan niya ito upang bigyan ng konting kasiyahan ang pamilya.  Nagpacater si Shawn para sa isang daang katao.   Si Mandie ang event coordinator kaya makalipas pa lang ng pananghalian ay nasa  garden na ito ng bahay nila Shawn at binabantayan ang pagaayos. Ikinakabit ng mga waiter ang dome tent ng lumabas ng pinto si Shawn at inakbayan ang paboritong pinsan.

Shawn:  How's everything?

Mandie:  They just started putting up the tent kaya mamaya ka na magtanong.

Shawn:  Ang sungit mo! Mandie pwede enough with being sad and grumpy its been six months hindi na matutuwa si Becca sa ginagawa mo.  Dahil birthday ko, today we end our mourning. I am sure Becca will love to see all of us smiling and celebrating a life lalong lalo na ikaw. Ganon ka kamahal ni Becca. 

Mandie:  You really think so Couz?

Shawn:  I know so.  Mas mahal ka pa nga non kaysa sa akin.  So smile because I'm sure she is smiling in heaven watching us being happy again.

Ngumiti naman si Mandie.

Dumating ang lahat ng malalapit na kaibigang sila Ian, Julia, Ice, Chloe, Matrix at ang asawa nito na umuwi pa galing sa Puerto Galera. Marami ding mga kasama sa trabahong mga pulis ang dumalo sa kaarawan ni Shawn. Ipinaimbita din ni Shawn ang ilan sa mga kasamahan ni Sheryl na mga dalagang modelo para daw maipakilala sa mga kaibigan niya. 

Bandang alas sais ng magkita-kita sila Joax, Maya, Robby, Sheryl, Baste, Janine, Kit at Irene. Masayang nagbatian ang mga ito at magkakasamang dumulog sa  buffet table.  Nang makakuha na ng mga pagkain ay naupo silang lahat sa isang lamesa.

Joax:  Talaga naman ibang klase si CEO, engrande ang birthday.

Robby:  Hindi naman talagang naghahanda yang si Shawn pero dahil 32 na daw siya at wala na sa kalendaryo. At dahil gusto naman niyang magsaya at tapusin na ang pagdadalamhati ng pamilya sa paglisan ni Becca ayan naisipan na niyang magcelebrate. 

Kit:  Speaking of which... kamusta naman si Tito Ric, Tito Rod at Tita Berna?  

Sheryl: Ok naman sila, matagal naman na din nilang alam na talagang hindi namin matagal na makakasama si Becca. Tanggap naman nila. They are all okay.

Irene:  Mabuti kung ganon. Grabe ano?  Ang bilis ng panahon dati birthday pa lang ni Kit ang sinecelebrate natin ngayon birthday na ng mga anak-anak  natin.  Before we know it kasal na ng mga yan ang kasunod na mga okasyon.

Sheryl:  Mukha nga.... sabay kindat sa mga kaibigan.

Maya:  Seryoso yan Ditse?!

Kit:  If that is the case, hindi na masama, maganda naman na ang trabaho ni Shawn and Alex is a good catch as well.  Maganda, matalino, magaling na agent ang mamanugangin mo Robby.

Astig  II (The Promise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon