NATHAN
NANG magising kinabukasan si Nathan ay wala na sa tabi niya si Camille na marahil ay umuwi na. Napangiti siya ng maalala ang nangyari kagabi.
God, unang beses na mayroon akong nakatabing babae sa kama ngunit walang nangyari sa aming dalawa.
Bulong nito sa sarili. Nang makarating kasi sila sa penthouse nito ay agad na binuhat at dinala ang dalaga sa kwarto niya habang tulog na tulog pa rin dala siguro ng nainom nitong alak. Nang mailapag nito sa kanyang kama ang dalaga'y nagtanggal na rin siya ng suot at tinabihan ito sa higaan.
Nagising lang ito nang maramdaman ang pagyakap sa kanya ng dalaga na kanya namang ikinangiti sa hindi malamang dahilan. Babalik sa sana si Nathan sa pagtulog ngunit nagsalita ang dalaga na marahil ay nananaginip.
"I hate you, Mike. I really really hate you."
Nangunot ang noo ng binata ng marinig ang mga katagang lumabas sa bibig ng katabing babae lalo na ng mapansin nito ang nangingilid na luha nito habang tulog.
damn that motherfucker who hurt Camille. Bulong ni Nathan sa sarili saka marahang ipinalibot ang braso sa bewang ng dalaga at hinalikan pa ito sa noo. "Goodnight." kapagkuwan ay bulong nito kay Camille na humihilik na. CUTE.
NATIGIL sa kanyang pag-iisip si Nathan nang tumunog ang Cellphone nito. kinuha niya ito upang tingnan kung sino ang tumatawag.. Si Ella. Ang kanyang pansamantalang Sekretarya malapit na kasi itong lumipad patungong Italy. Tatlong taon na rin niyang sekretarya ito at tinuring na ring parang kapatid kaso nagpaalam na ito sa kanyang magre-resign na dahil kinukuha na siya ng kaniyang pamilyang nasa Italya.
"Yes, Ella?"
"Sir, Good morning po. I'm sorry for calling you this early. Nandito po kasi si Ms. Janine, at hinahanap ka po."
"Bakit raw?"
"Wala pong sinabi, Sir, pero mukhang naiinis na po."
"Okay. Just tell her to stay in my office and wait for me there. Remind her not to do something stupid. Thanks Ella."
"Okay, Sir. Bye."
NANG matapos ang pag-uusap nila ng kanyang Sekretarya'y nagtungo na ito ng bathroom upang maligo at nang matapos ay mabilis na nagbihis at lumabas ng penthouse. Tinungo ang kanyang kotse at agad na nagmaneho patungong BUENAVISTA REAL ESTATE.
Nasa daan pa lamang ito ng tumunog na naman ang kanyang cellphone. Kinuha nito iyon at sinagot.
"What?" bungad niya kay Janine na nasa kabilang linya.
"Where the hell are you, Nathan?!" fuck!
"Stop shouting, will you? Ang sakit mo sa tenga, Janine. I'm on my way there kaya matuto kang maghintay."
"Honey, I'm sorr-"
Hindi na naituloy pa ng babae ang sasabihin ng babaan siya ni Nathan ng tawag. Ayaw na ayaw ng binata na sinisigawan siya lalo na kung wala namang kuwenta ang lumalabas sa bunganga nito. Matagal na niyang pinagpapasensiyahan ang ugali ni Janine dahil alam naman niyang patapos na rin ang kanilang relasiyon.
Makalipas ang halos 30 minutes ay narating rin niya sa wakas ang Building nito. Pinarada ang Sasakyan at agad lumabas dito. Binati siya ng mga Guwardiya at ng mga tao sa Lobby na nginitian at tinanguan lang niya.
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...