CHAPTER 4

5.1K 208 1
                                    

NATHAN

IT'S monday morning. Maagang nagising si Nathan sa hindi mawaring dahilan. Bumangon sa kanyang higaan at naligo. Nang matapos at nakapag-bihis na ay lumabas na ito ng kanyang silid at tinungo ang kusina. Nagulat pa ito nang madatnan ang kanyang ina na naghahanda ng almusal.

Nang mapansin ng ina ang presensiya niya'y Liningon siya nito at ngumiti ng pagkalapad-lapad.

"Mom? what are you doing here?" kunot-noo nitong tanong.

"Good morning to you, too. Nandito ako dahil gusto kong makita ang anak kong napaka-busy at hindi na maalalang kamustahin ang kaniyang ina."

"Mom, I'm sorry, okay? Promise, babawi ako sa'yo kapag hindi na ako gano'n ka-busy."

"Fine. So, bakit parang ang aga mo naman yata ngayon?"

Nagkibit-balikat ito. "I don't know. Maybe i'm just excited."

"Excited? saan?" Tanong ng ina.

"Oh? Forget it, mom. Wala 'yon."

"Okay. Totoo bang hiniwalayan mo na si Janine?"

"Yes, mom. Yesterday. Why?"

"Great decision. I don't like her either."

Nathan frowned. "Why?"

"She's a brat. too bossy, and she was rude to me and your Dad."

"Rude? sa inyo?"

"Yeah. Come, Son. Sit here." Aya ng ina at ipinaghugot pa siya ng upuan sa dining table.

"Hayaan niyo na siya, Mom. Hindi ko naman na siya Girlfriend."

"Yeah. Kaya sana sa susunod na magka-Girlfriend ka, Piliin mo naman Nathan. Kung bakit ba kasi hindi ka pa magseryoso sa buhay."

"There you are again, Mom. Hindi na kayo natapos-tapos sa usaping 'yan. Masaya ako sa buhay ko, Mom. Pabayaan niyo nalang po ako."

"Pabayaan? Nathan, anak kita. Hindi mo ako maaasahang basta ka nalang pabayaan sa baluktot mong buhay. Tungkulin namin ng Daddy mong gabayan at ituwid ka."

"Okay, okay. Kumain na muna tayo, Mom. Mamaya mo na ako pagsabihan."

"Ewan ko sayo, Nathan."

Ilang minutong walang nagsalita sa kanilang mag-ina. Tanging kalansing lang ng mga kubyertos ang maririning, hanggang sa basagin ni Nathan ang katahimikan.

"Si Dad pala mom, pumasok ba sa opisina niya?"

"Yeah, Kaya sasama ako sa opisina mo dahil wala naman akong kasama sa bahay. Mababagot lamang ako du'n."

"Okay, mom."

NANG matapos silang mag-almusal ay kaagad na nagtungo ang mag-ina sa Buenavista Building.

"Anak, maglilibot-libot nalang muna ako."

"Sige, mom. Pumunta ka nalang sa Office ko kapag napagod ka."

"Okay, son. Si Ella pala, nasa'n siya? puwede ko bang isamang maglibot?"

"Great, para naman makapag-bonding kayo kahit papa'no. Alam ko namang naging malapit kayo sa isa't-isa, saka malapit na po kasi yung Alis niya sa kompanya, mom."

"What do you mean?"

"Nagpaalam na sa'kin na aalis na. Tinawagan kasi siya ng Daddy niya at pinapapunta na siya ng Italy dahil kailangan din siya sa negosyo nila." Paliwanag ni Nathan sa ina.

"E sino na ang papalit sa kanya sa posisyon niya?"

"huwag kang mag-alala, mom. Nakahanap na ako ng kapalit niya."

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon