CHAPTER 23

3.4K 142 5
                                    

NATHAN

NASA Opisina si Nathan. Pumasok na rin siya sa wakas dahil sa pangungulit sa kaniya ng kaniyang mga magulang at mga kaibigan.

"Bro, Ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Pumasok ka nga, may tequila namang hawak." Puna ni Jake sa kaniya.

"Don't mind me, Jake."

"No! 'wag mo akong pigilang pagsabihan ka dahil sinasabi ko na sa'yo, Nathan, Tatamaan ka sa'king gago ka. Hindi ka naman ganiyan dati. Ayusin mo nga 'yang buhay mo!" iritadong wika ni Jake.

"Buhay?!" Bulyaw ni Nathan. "I don't have a life anymore! Kinuha ni Camille 'yon sa'kin. I gave her everything! Binuhos ko lahat ng pagmamahal ko sa kaniya pero niloko niya ako. Niloko niya ako, Jake! Niloko!" Hindi na napigilan ni Nathan ang mga luhang bumagsak mula sa kaniyang mata.

"And that's because of your stupidity! You're stupid for thinking that Camille cheated on you. Hinayaan mo ba siyang magpaliwanag? Hindi! Pinakinggan mo ba siya? Hindi! Alam mo kung anong ginawa mo? Itinaboy mo siya, Nathan. At alam mo kung ano 'yung pinakagagong ginawa mo? 'yun ang ipinagpalit mo agad siya! Alam mo? Kaibigan kita pero dahil diyan sa kakitiran niyang utak mo, Hindi ko alam kung ano ng gagawin sa'yo."

"I don't know what to do anymore, Jake. Sobrang gulong-gulo na ang utak ko sa mga nangyari sa buhay ko. Nasasaktan din ako."

"Alam mo kung anong dapat mong gawin? Puntahan mo si Camille sa bahay niya. Pakinggan mo siya saka ka gumawa ng desisyon. Pakinggan mo para wala kang pagsisihan sa bandang huli."

"Natatakot akong malaman ang totoo. Mahal ko siya at hindi ko kayang ipamukha niya sa'kin na nagkabalikan na sila ni Mike."

"Bullsh*t! Umalis ka nga dito! Grow some balls! Puntahan mo si Camille bago pa maubos ang pasensiya ko sa'yo!" Galit na bulyaw ni Jake sa kaniya.

Tumayo si Nathan at kinuha ang susi ng kaniyang kotse at patakbong lumabas ng kaniyang opisina at iniwan si Jake doon. Nang marating niya ang kaniyang kotse ay agad itong sumakay at pinaharurot patungo sa bahay ni Camille at Nang makarating ay mabilis pa sa alas dose na tinungo ang pintuan ng dalaga. Kakatukin sana nito ng makitang sira ang doorknob nito na siya ang may kagagawan.

Tinulak niya pabukas ang pintuan at walang sabi-sabing pumasok. "Camille?! Camille?! Where are you?!" Patakbo nitong tinungo ang kwarto ng dalaga ngunit nanlumo ng makitang walang Camille na naroon.

Nangunot pa ang noo nito ng makitang bukas ang Closet ng dalaga at wala roon ang mga damit nito. "What the hell? Where's Camille?" Bulyaw nito.

Lumabas siya ng kuwarto ng dalaga. Lalabas na sana ito ng bahay ng may mahagip ang mata niya sa ibabaw ng maliit na mesa sa sala ni Camille. Nilapitan niya iyon at kinuha. Nanlaki ang mga mata ng binata ng mapagtanto kung ano yon. Wedding Invitation.

MICHAEL & BEATRICE

Nasa card na hawak niya ang picture ng ikakasal. "What the hell? Anong ibig sabihin nito?" Tanong nito sa sarili habang nakatitig sa hawak na card. "Ang Lalaking 'to yung nasa picture na pinadala sa'kin. Si Michael ang ex-boyfriend ni Camille at ikakasal na siya?!"

Napaupo si Nathan sa sahig at sinapo ang ulo. "Kung ikakasal na ang Lalaking 'to, ibig sabihin wala silang relasiyon ni Camille." wika nito habang palakas ng palakas ang tibok ng kaniyang puso.

Tumayo si Nathan at patakbong lumabas ng bahay at tinungo ang kotse. Pinaharurot nito patungo sa kaniyang Penthouse.

Nang makapasok sa Loob ng kaniyang penthouse ay narinig niya ang boses ni Janine sa Loob ng kaniyang kuwarto na parang nakikipagtalo kaya dahan-dahan itong naglakad palapit sa pintuan ng kuwarto niya at idinikit ang tainga rito.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon