CHAPTER 55

2.7K 99 1
                                    

NATHAN

Napabalikwas ito ng bangon nang makaramdam ng sakit sa kanyang braso. Sumama ang Mukha niya nang makita ang kaniyang asawang tawa ng tawa.

"Did you just bite me again, Woman?!" iritadong tanong ni Nathan. Napatingin ito sa orasan. Alas dos palang ng madaling araw.

Kinagat ni Camille ang kaniyang pang-ibabang Labi saka nagpatangu-tango.

"Can't you see, Camille? I'm sleeping for fuck sake! Maawa ka naman sa'kin dahil kailangan ko ring magpahinga." inis na wika ni Nathan.

Tumalim ang mga mata ng kaniyang asawa. "E di matulog ka. Buwiset!" Bumalik sa pagkakahiga si Camille at nagtalukbong ng kumot.

Bigla namang Lumambot ang Expression ng mukha ni Nathan. "Ano ba kasing gusto mo? May problema ka ba?" Masuyong tanong niya sa kaniyang asawa.

Hindi sumagot si Camille.

"Love.." Inalis ni Nathan ang talukbong ni Camille. "Talk to me please. Ano bang gusto mo? Dalawang Linggo ka ng ganito simula ng makabalik tayo dito galing sa isla. kinakagat mo ako ng madaling araw para Lang gisingin. Lagi mo rin akong tinatarayan. May kasalanan ba ako sa'yong hindi ko alam? Hmm?" Tanong ni Nathan.

"Manahimik ka. Ayaw kong Makita 'yang pagmumukha mo at ayaw ko ring marinig 'yang boses mo."

"Walang ganiyanan, Love. Kung galit ka sa'kin, sabihin mo ng diretso para mapag-usapan natin at ng hindi na Lumala pa. Nahihirapan ako kapag ganiyan ka sa'kin e."

Humarap sa kaniya si Camille na masama pa rin ang tingin sa kaniya. "Gusto mong matulog 'di ba? P'wes, Matulog ka! Huwag mo akong ginugulo baka masapak kitang Lalaki ka." Singhal sa kaniya ni Camille.

Imbes na magalit si Nathan sa sinabi ni Camille ay tinawanan pa niya ito. "Nasobrahan naman yata ang tapang ng Misis ko at marunong na rin palang manapak ngayon." natatawang wika nito.

"Buwiset ka! Matulog ka na. Ang panget mo."

Nathan chuckled. "Alam naman nating pareho na hindi totoo 'yan. Kaya nga baliw na baliw ka sa'kin e." Nakangising saad ni Nathan.

"Ang yabang mong- uhmpp!" Hindi na nakapagsalita si Camille ng sakupin ng Labi ni Nathan ang Labi niya at agad na siniil ng mainit na halik. "uhmm.." Ungol ni Camille ng kagatin ng bahagya ang pang ibabang Labi nito.

"Sweet." sambit ni Nathan ng siya na mismo ang humiwalay sa Labi ng kaniyang asawa. "Hindi talaga ako magsasawang angkinin ang mga Labing ito." Hinaplos ni Nathan ang Labi ni Camille. "I love you so much, Mrs. Buenavista."

"Manyak." saad ni Camille. "Matulog ka na ulit." isiniksik nito ang mukha sa kili-kili ni Nathan. "I Love you too."

Humalakhak si Nathan. "Hey! Bakit naman dyan ka pa sumiksik?" tanong niya.

"Wala kang pakialam saka mabango naman 'tong kili-kili mo kaya manahimik ka na at matulog ka nalang." pagtataray ni Camille.

Hindi na sumagot pa si Nathan at ipinikit nalang ang mga mata saka ito natulog uli.

••KINABUKASAN••

MAAGA rin siyang gumising dahil papasok pa siya sa Opisina niya. Pumasok ito sa banyo at naligo habang mahimbing pang natutulog sa kama ang kaniyang asawa.

Paglabas niya ng banyo ay naabutan niyang nakaupo na ang asawa niya pero halatang kakagising palang dahil kinukusot-kusot pa nito ang kaniyang mata.

Lumapit siya rito at hinagkan sa noo si Camille. "Good morning, Wife." Bati niya.

"Good morning." Bati ni Camille pero kumunot ang noo ni Nathan ng mabilis itong tumayo at nagtatakbo papasok ng bathroom. Agad namang sinundan ni Nathan at nadatnan niyang nagsusuka na naman ang asawa niya.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon