NATHAN
MAAGANG Nagising si Nathan sa hindi maipaliwanag na saya dahil sa wakas, sila na ulit. Girlfriend na niya uli ang isang CAMILLE ROSE ANDRADA.
Tumingin siya sa katabi niya. Himbing na himbing sa pagtulog ang dalaga na nakasiksik pa ang mukha nito sa kaniyang dibdib.
‘ Fuck! Nakaka bakla ang feeling na ‘to. ’
Dahan dahan niyang inayos ng higa si Camille at dahan dahan din itong umalis sa higaan. Kinuha niya ang cellphone saka tinawagan ang kaniyang Secretary upang utusan itong mag order ng bulaklak at ipadeliver sa Mansiyon.
Nang matapos siyang makipag-usap sa cellphone ay bumalik ito sa kaniyang silid upang maligo at nang matapos ay agad din itong nagbihis at Lumabas ng kaniyang silid. Tinungo nito ang kitchen upang ipagluto ang kaniyang mag-iina.
“Good morning, Manang.” Bati ni Nathan sa matandang kasamahan ng mga Andrada sa Mansiyon.
“Good morning, Hijo. Bakit ang aga mo namang gumising? Aalis ka uli?” usisa nito.
Umiling si Nathan. “Guess what, Manang?” Ngumiti ang binata ng pagkalapad lapad. “Kami na po ulit ng alaga niyo!” Masiglang bulalas nito.
Natawa naman ang matanda. “Masaya ako para sa inyong dalawa ni Camille. Huwag mo na siyang sasaktan, okay? Nakakawa siyang tingnan ‘pag umiiyak e.” wika nito.
Tumango si Nathan. “Yes naman, Manang.”
“ay teka, gusto mo ba ng kape? Ipagtitimpla kita.” wika nito.
“Sige, Manang. Ipagluluto ko pa sila ng almusal.” Nakangiting wika ni Nathan.
“Alam mo natutuwa akong makitang pinagsisilbihan mo ang mag-iina mo, Hijo. Sana huwag kang magbago.”
“Not gonna happen, Manang. Masiyado ko silang mahal e.”
Tumango ang matanda. “O siya sige. Tapusin mo na ‘yan at maya-maya e magigising na rin ang mag-iina mo. Maaga pa naman gumigising si Camille.”
Natawa si Nathan sa sinabi ng matanda. Ipinagpatuloy naman nito ang pagluluto, maya-maya ay narinig niya ang boses ng dalawang bata kaya nilingon niya ang mga ito. Buhat buhat sila ng kanilang Yaya Lea.
“Good morning, Sir.” Bati ng babae sa kaniya.
“Good morning. Paupuin mo nalang ang mga bata sa kitchen island, Ako na ang bahala sa kanila, Lea.” wika ng binata na agad naman nitong sinunod.
“Good mowning, Daddy.” Bati ng anak niyang si Astrid na kinukusot pa ang mata.
“Good morning, kiddos. Did you two sleep well?” Tanong nito habang nilalagay sa plato ang mga pagkain.
“Yes, Daddy. Sarap sarap po ng tulog namin.” Tugon ng kaniyang anak na Lalaki.
“Daddy, i want milk.” Lambing sa kaniya ni Astrid.
“Me too, Daddy.” gatong ni Rhett.
“Okay. Stay still, kids. Titimplahan kayo ni Daddy.”
NANG Matapos inumin ng mga bata ang gatas nila ay nilagay naman ng binata ang Food tray na naglalaman ng kaniyang niluto saka ipinatong sa isang bed tray.
“Kids, Let’s go to Mommy’s room.” nakangiting wika nito. “Rina, Pakibuhat naman ang mga bata, please.” Utos niya kay Rina.
“Sige, Sir.”
“I’ll walk nalang po. Kawawa naman si Ate.” wika ni Rhett na ikinangiti ni Nathan.
“That's my boy. Okay, Let’s go.” Binuhat ni Nathan ang Bed tray saka naglakad.
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...