CHAPTER 34

3.1K 139 5
                                    

NATHAN

“Sir, What is the real score between you and the daughter of the powerful businessman, Don Lysandro Andrada?”

“Mr. Nathan Buenavista, Sir, Are you and Miss Andrada .. dating again?”

Tanong sa kaniya ng dalawang Female Reporters pagdating na pagdating niya ng Buenavista Building.

“Sir, why did you start a fight with Mr. Daniel Falcon during the Party in ASHRHETT DISTILLERY?”

Lumapit na sa kaniya Lahat ng Securities ng Buenavista nang hindi na magkanda-ugaga ang mga reporters. Itinaas ni Nathan ang kaniyang kamay, senyales na huminahon sila.

“Okay. Listen people, Yes, I was the one who initiate the fight with Mr. Falcon, And I am really really sorry for that. I was in the spirit of alcohol that time that's why. Yeah, I know it was a stupid reason but i hope, Mr. Falcon and The Andradas, will forgive me for ruining their Anniversary Celebration. And, as for your question about the real score between me and the owner of ASHRHETT DISTILLERY, I still have no says about it. So, Thank you and have a good day!”

Naglakad na si Nathan papasok ng kaniyang building habang pinipigilan naman ng mga security personnel ang mga reporters sa Labas na gusto pang makausap si Nathan ukol sa nangyari sa AshRhett.

Nang makarating sa kaniyang Office floor ay agad siyang sinalubong ng Secretary nitong si Miggy. “Good morning, Sir. Nasa loob po ng opisina niyo ang magulang niyo. Kanina pa po kayo hinihintay, Sir.” wika nito.

Tumango si Nathan. “Yeah. Kamusta naman ang kompanya habang wala ako, Migs?” Tanong ni Nathan.

“Everything is fine and undercontrol, Sir. Lagi ring nandito si Sir Nathaniel para mag supervise. Sinisiguro po niyang kahit wala ka ay magiging maayos pa rin po ang inyong negosyo.” Tugon ni Miggy.

“I should also thank you for helping my father running my company, Migs.” Nakangiting wika ni Nathan.

“It is also my responsibility to help as i am your secretary, Sir.”

Tumango si Nathan. “Maraming salamat, Migs. Ako na ang bahala sa'yo kapag natapos na ang lahat ng problema ko.” Wika ng binata at tinapik pa ang balikat ni Miggy. “Sige. Pupuntahan ko na muna sina Daddy at Mommy. Baka naiinip na ang mga ‘yon.” Dagdag ni Nathan at nagsimula ng maglakad patungo sa kaniyang opisina.

Nadatnan nga niya ang kaniyang Mommy at Daddy na prenteng nakaupo sa couch. “Good morning, Mom, Dad.” Bati nito saka Lumapit sa kaniyang table at nilapag roon ang hawak na Attache case.

“Good morning, Hijo.” Ganting bati ng kaniyang Daddy.

“Good morning, Son. How are you?” Tanong na Mommy niya.

“Madaming iniisip pero ayos lang naman ako, Mom.” Wika ni Camille na may tunay na ngiti sa Labi. “Nagkita uli kami ni Camille kahapon with her kids.”

“Tapos? Nagkausap naman ba kayo ng maayos?”

Umiling si Nathan. “Inasar ko kasi kaya nainis sa’kin.” natatawang wika ni Nathan.

“So annoying her is something funny for you?” Kunot-noong tanong ng kaniyang Daddy.

“No, Dad. I'm just glad that at least, she still feel something towards me.”

Ngumisi ang kaniyang Ama. “Nasaan na ang Nathan na kilala sa pagpapaiyak ng babae? Nasaan na ‘yung Nathan na sumumpang hindi kailanman magseseryoso sa isang babae?”

“Dad naman..” Reklamo ni Nathan.

Natawa ang kaniyang mga magulang. “Anak, alam mong nandito lang kami ng Daddy mo, right? And whatever your plan is, we are always here behind you. We will support you no matter what, but it doesn't mean that we will be tolerating any of your wrongdoings. Mga magulang mo kami at tungkulin naming suportahan ka, pero tungkulin rin naming gabayan ka at ituwid ka kung sakaling magkamali ka.” Wika ng kaniyang inang si Samantha.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon