CHAPTER 48

3.1K 117 9
                                    

NATHAN

"So what's your plan now, Nathan? Kailan niyo balak magpakasal ng kapatid namin?" Tanong sa kaniya ni Calyx.

Nasa THE ROCKS si Nathan kasama ang mga kapatid ng kaniyang Fiancee na sina Calyx at Jet. Siyempre hindi naman papahuli sa inuman ang dalawa niyang kaibigang sina Mark at Jake kaya kasama din nila ang mga ito.

"As soon as possible, Kuya." Wika ni Nathan. Nakasanayan na rin ang pagtawag kay Calyx ng Kuya. "Hindi ko na patatagalin dahil ayaw ko ng makawala sa'kin si Camille saka isa pa, dun din naman kami papunta." wika nito. nagpatangu-tango naman si Calyx.

"Saan niyo ba balak manirahan kung sakali, Kuya Nathan?" Tanong sa kaniya ni Jet.

"Hindi pa namin napag-uusapan 'yan ni Camille." tugon nito.

"E kung gusto mo namang dito nalang sila sa inyo, wala namang problema sa amin 'yon dahil ikaw naman ang Lalaki. Pag-usapan niyo nalang ng mabuti ni Camille Lalo na ang mga company niyo. Hindi naman puwedeng araw-araw pupunta siya ng San Vicente tapos babalik din dito. May kalayuan naman ang San Vicente dito, mapapagod Lang sa biyahe." Saad ni Calyx.

Tumango si Nathan. "Hindi naman ako makakapayag na mahirapan si Camille." wika ni Nathan. "Anong problema mo?" Baling ni Nathan sa kaniyang kaibigang si Jake na bigla nalang tinungga ang isang boteng beer.

"Iniwan daw ng Girlfriend niya." wika ni Mark.

"Girlfriend?" Nagtatakang tanong ni Nathan. "Kailan pa nagka Girlfriend 'yan e puro nga siya flings." Dagdag nito.

Umiling si Mark. "Wala din akong alam. Masiyadong masikreto ang gagong 'to." Wika ni Mark.

"Bakit ka nga ba iniwan, Jake?" Sabad ni Calyx.

"I don't know. Basta nalang umalis at nag-iwan ng sulat. Ayaw na raw sa'kin." wika nito na sinabayan pa ng pagbuntong-hininga. "Fuck! Hindi dapat ako nagkakaganito sa isang babae e." dagdag nito.

Tinapik ni Calyx ang balikat ni Jake. "Find her and talk to her. Hindi naman dahil iniwan ka na, Wala ka na ring balak hanapin siya."

"Yeah. You're right. I'll go now." wika ni Jake saka tumayo.

"Ihahatid na kita." saad ni Mark.

Umiling si Jake. "Huwag na, Bro. Hindi naman ako Lasing." dahilan nito.

"Okay. Drive safely. Text mo ako kapag nakauwi ka na." wika ni Mark.

"Yeah. Bye Guys." saad ni Jake saka Lumabas ng Bar.

"Love sucks." Sambit ni Jet.

"Gago. Subukan mo kayang magtino." Pabarang ni Calyx sa kapatid.

"Tss. Matino ako, Kuya. Wala Lang akong balak magseryoso sa pag-ibig. Nakakabaliw 'yan." dahilan ni Jet.

BIGLA namang tumunog ang message tone ng binata kaya kinuha nito ang cellphone na nasa bulsa ng kaniyang pantalon. Kinuha niya iyon saka tiningnan.

From: My Queen

Where are you?

Napangisi siya sa Laman ng mensahe ni Camille. Nagtipa siya sa kaniyang cellphone.

To: My Queen

Here at The Rocks bar, Love. I'm with Mark and your siblings. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo.

Sent✔

Nakalimutan nga pala nitong magsabi kay Camille kanina. Dinaanan Lang din kasi siya ni Calyx at Jet sa kompanya niya kanina saka inayang uminom kaya hindi na rin nito nasabihan si Camille.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon