NATHAN
SABADO na ngayon at naghahanda na si Nathan sa pag-uwi. Nang handa na ito'y lumabas na siya ng kanyang opisina, tutuloy na sana sa kanyang Private Elevator nang mapansin niya ang Sekretarya niyang si Camille na nasa Nakayuko sa kanyang table.
Anong ginagawa ng babaeng 'to? Mag aalas-otso na ng gabi pero narito pa rin samantalang alas-singko ang Labas dapat nito.
Tanong ni Nathan sa sarili at humakbang palapit sa dalaga. Napangiti ito nang marinig ang mahinang paghilik ni Camille. Nakatulog pala ang dalaga kaya hindi pa ito umuuwi.
She's cute.
Pinakatitigan pa muna ni Nathan ang maamong mukha ng dalaga habang natutulog hanggang sa mapag-desisyunan na nitong gisingin na labag sa kanyang kalooban dahil ayaw pa sana niya itong isturbohin sa mahimbing na pagtulog.
"Camille, Wake up, Love."
Tinapik-tapik nito ang balikat ng dalaga na unti-unti namang nagmulat ng mata at tumitig sa kanya ngunit nanlaki ang mga mata nang ...
"Oh my god! Sir Nathan, I'm sorry. hindi ko po sinasadyang makatulog dito pero promise po natapos ko na po lahat ng mga-"
Nathan cut her off. "Sshh. It's okay, Camille. Get up, ihahatid na kita sa inyo. Halika na." Nakangiting saad ni Nathan.
"Thank you, Sir, But no. I can-"
"No Buts, Miss Andrada." Seryoso na nitong wika.
"Errr- okay po."
Wala ng nagawa pa ang dalaga kundi ang pumayag. Dali-daling kinuha ang kanyang bag at sinukbit sa kanyang balikat saka nagtatakbo para habulin si Nathan na nauna ng maglakad patungo sa kanyang Private Elevator.
"Sir naman. bakit po ba ang bilis-bilis niyong maglakad?" Nakabusangot na tanong ng dalaga sa kanya.
Natawa si Nathan sa itsura nito. "Mabagal ka lang talagang maglakad."
"Mabagal? Sir Lakad-takbo na po kaya 'yong ginawa ko."
"Mabagal ka pa rin, Camille." Nakangisi nitong sabi.
SABAY silang dalawang pumasok sa Elevator. Wala silang imikan hanggang magsalita na naman si Nathan.
"You know what, Camille? You should thank me."
"Sa paghatid sa'kin, Sir? Don't worry, I'll thank you Later."
"Not just because of that, Camille."
"E para saan naman po?" Kunot-noong tanong ng dalaga.
"Dahil hinayaan kitang sumakay dito sa Elevator ko." Nakangisi nitong wika.
Hindi makapaniwalang tumitig sa kanya ang dalaga. "Seryoso ka d'yan, Sir?"
"Yes. Aba, karangalan 'yon para sa'yo no. Bukod sa mommy ko, ikaw Lang ang kauna-unahang babaeng pinaapak ko rito."
Walang emosiyong napahalakhak sa sinabi niya ang dalaga. "Oh my God! Ang yabang mo rin talaga e, no?"
"I'm not, Love. Pasalamatan mo nalang ako." Wika nito na hindi pa rin maalis ang ngisi sa Labi.
"Sapak, Sir, Gusto mo? Willing akong ibigay sa'yo 'yon pero 'yong THANK YOU? Nah, hindi ko mapagbibigyan yang kahambugan mo." Pikon na wika ni Camille.
"a simple one kiss here" turo ni Nathan sa kanyang Labi. "Will do, Love."
"Manyak!" Sigaw sa kanya ni Camille na.
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...