CHAPTER 3

5.2K 183 2
                                    

CAMILLE

NAGISING si Camille sa kaniyang mahimbing na tulog nang tumunog ang kaniyang Alarm Clock. Aarrrgghh!! 10mins more, please. Pipikit na sanang muli ito nang ang cellphone naman niya ang tumunog. Kinapa niya ito sa higaan dahil di naman niya nilalayo ito sa kaniya. Hawak na niya ito at agad sinagot ang tawag na di man Lang tinapunan ng tingin.

"Who's this?" Walang gana nitong sagot at bahagyang humikab pa.

"You're still in bed? Good God, Camille. Get that lazy ass of yours out of that bed of yours. fix yourself because you only have 30 minutes to get ready. C'mon!" Bulyaw sa kaniya sa kaibigang si Lynette.

"Bakit ba? Ang aga-aga pa eh. Let me back to sleep now, Lyn. plea-"

"Get up! and don't make me go there and drag you out of that damn bed myself, Camille! May interview ka tapos-"

"INTERVIEW?!! Oh my god, i forgot about my interview at Buenavista's Real Estate? Shit! Bye, Lyn. I gotta go get myself ready."

Hindi na niya hinintay ang sagot ng dalaga dahil pinatay na nito ang tawag.

Shit! Bakit ba sa lahat ng puwede kong makalimutan ay bakit ang interview ko pa? Tangang Ulyanin na talaga ako.

Naging mabilis ang ginawang pagkilos ni Camille para mag-ready. Hindi na siya nakapag-breakfast pa dahil malapit nang mag alas otso. Lumabas siya ng bahay at pumara ng taxi at nagpahatid sa Buenavista R.E.

Kung hindi lang dahil sa walang-hiya kong Ex-Boyfriend at Ex-bestfriend hinding hindi talaga ako lalayo dun at pahihirapan ang sarili ko dito.

Sa Wakas nakarating din ito. Mabuti nalang at hindi traffic kaya hindi siya late sa kaniyang interview. Thank God.

NAKAUPO si Camille at hinihintay tawagin ang kaniyang pangalan, pinapakalma ang sarili dahil sa kabang nararamdaman. Nananalangin na sana naman ay siya ang mapili para sa Secretarial Position. Kailangang kailangan niya ang trababong ito dahil sa taas ng pasahod nila'y siguradong masusuportahan na niya ang kaniyang sarili, at isa pa'y maganda ring magtrabaho dito dahil kilalang kilala ang BUENAVISTA REAL ESTATE sa buong ASYA. Nasa Fifteen sila ngayong nakapila para sa interview kaya swerte niya kung siya ang makakuha sa naturang puwesto.

"Miss Camille Andrada?"

Oh my God! Pangalan ko na yun ah! Tumayo ito at nginitian ang Babae. Humugot ng Malalim na Hininga.

"Yes, Ma'am?"

"Follow me."

Tumango si Camille at hinigpitan ang pagkakahawak sa Envelop na naglalaman ng kanyang mga Credentials. I CAN DO THIS! bulong nito sa sarili at sumunod na sa Babaeng tumawag sa kanya.

"The boss is waiting for you inside." The woman said, Pointing the closed glass door in front of them.

Pilit na ngumiti si Camille sa babae dala ng kabang kanina pa nararamdaman. "Thank you, Ma'am."

Napansin yata siya nitong kabahan kaya tinapik siya nito sa Balikat. "Relax, Miss Andrada. You can do this, okay? Don't worry, The boss won't bite you."

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon