CHAPTER 33

3.1K 136 3
                                    

NATHAN

NAKASANDAL si Nathan sa headboard ng kaniyang kama. Wala ngayon si Jake dahil naglibot-libot ng San Vicente. Maya-maya Lang ay tumunog naman ang cellphone nito.

“Hello?” walang gana nitong sagot.

“Ano na namang kalokohan ang ginawa mo sa Anniversary ng AshRhett noong nakaraang gabi, Nathan?” Boses ng kaniyang Daddy.

“Paano niyo na naman nalaman, Dad?”

“It’s all over the news, Damn it! Punung-puno ng paparazzi ang buong lugar. Hindi mo man lang ba naisip ‘yon? Ngayon nagtatanong na ang mga investor mo kung nasa tamang pag-iisip ka pa ba.”

“I’m sorry, Dad. Hindi ko lang na-control ang sarili ko that time. Don’t worry, i'll fix this issue. Babalik ako bukas diyan para humarap sa media.”

“You should really do that, Nathan. Naaapektuhan ang mga negosyo natin ng dahil sa mga kalokohan mo. Hindi naman kami nagkulang ng Mommy mong paalalahanan kang ‘wag gagawa ng ikakasama mo pero ginagawa mo pa rin.”

“Dad..”

“Ano bang nangyari sa party na iyon?”

“Camille is the daughter of Don Lysandro Andrada, Dad. She is the owner of ASHRHETT DISTILLERY.” wika ni Nathan.

“Yeah. Usap-usapan na ngayon sa bussiness world ang nangyaring paglantad ng misteryosong taong nasa Likod ng AshRhett.” wika ni Nathaniel. “At may anak na din pala siya.”

Bumuntong hininga si Nathan. “Yes. Kambal pa nga e.”

“Now that you know that she’s already a Mother of those twins.. do you still want to pursue her?”

“Of course, Dad. Walang nagbago sa plano ko. Babawiin ko siya.. no matter what.” Matigas na wika ni Nathan sa ama.

“Wala na akong magagawa kung ‘yan ang gusto mo. Alam kong mali ‘yang desisyon mong ‘yan pero hindi ka naman matututo kung hindi mo susubukan.” wika ng kaniyang ama. “Sige na at may kailangan pa akong gawin. Umuwi ka dito bukas para magpaliwanag sa Media.”

“Yes, Dad.”

Nawala na sa Linya ang kaniyang ama. Tumayo ito at pumasok sa kaniyang banyo upang maligo.

sabado naman kaya maglilibot na nga lang din muna ako para makalimutan naman ang mga problema ko kahit pansamantala lang. ’

Wika nito sa kaniyang isipan at nagsimula ng sabunin ang kaniyang katawan.

AFTER an hour.. nakarating siya sa isang park kung saan maraming batang naglalaro. Bumaba siya sa kaniyang sasakyan at naglakad papunta sa isang bench hanggang sa..

“Hey!” Tinulungan niya ang batang Lalaking nabunggo sa kaniya dahil sa kakatakbo. “you okay, Little boy?” tanong ng binata habang sinusuri kung mas galos ang bata.

Tumitig sa kaniya ang bata. “Yes. I’m fine po. Thank you.”

“Be careful, okay? Don't run too fast.” wika ni Nathan.

“What's your name, Sir?” Tanong ng bata sa kaniya.

“I’m Nathan.” Wika ni Nathan at pinakatitigan ang bata dahil mukhang pamilyar ito sa kaniya. “Your name is Ethan Rhett, right?” Tanong nito sa bata.

“Yeah. Why do you know my name, Sir?”

Napakamot naman sa ulo si Nathan. “Pumunta kasi ako sa Party niyo nung nakaraang gabi. Nagpakilala ka roon, ‘di ba?”

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon