CAMILLE
Nagising sa mahimbing na pagtulog si Camille nang marinig ang pag-iingay ng kaniyang Cellphone.
Aarrgghh!! Sinong pangahas ang istorbo sa tulog ko? Godd! It's still two in the morning.
"What do you want?" inis na sagot nito na hindi man lang tiningnan ang caller ID
"Wow!" puno ng sarkasmong bulalas ng nasa kabilang Linya.
"Love?" Sinulyapan ni Camille ang Caller ID, nanlaki ang mata niya nang makitang si Nathan iyon. "Oh my god! I'm sorry, Love."
"Yeah!" Walang ganang sagot ni Nathan.
"Love, I'm sorry. Hindi ko kasi tiningnan kung sinong nasa Caller ID kanina bago ko sagutin. I thought it's not you."
"May pinuntahan ka lang pero nakalimutan mo na ako." puno ng pagtatampong wika ng binata.
"Anong nakalimutan?"
"Alam mo ba kung naka-ilang tawag at mensahe na ako sa'yo magmula kahapon, Camille?" iritadong saad ni Nathan.
"I don't-"
Nathan cut her off. "It's because you're too busy with your FRIEND." Wika nito na pinagdiinan pa ang huling salita. "Kahit isang text message man lang ang pinadala mo sa'kin, Camille. Alam mo bang mababaliw na ako rito sa pag-aalala sa'yo?" naiinis na wika ni Nathan
Nakaramdam naman ng guilt ang dalaga. "I'm sorry. Hindi na mauulit."
"Yeah. Go back to sleep." pagkasabi nun ng binata ay pinatay na rin nito ang tawag.
Gaga ka talaga, Camille. Bakit ba kasi hindi mo naisip magparamdam sa boyfriend mo?
Sumbat nito sa sarili. Hindi pala niya natawagan o na-text man lang si Nathan mula kahapon pagdating nila ng mansiyon.
Babawi nalang ako sa Lalaking 'yon pagbalik ko ng siyudad.
Wika nito sa sarili at bumalik na siya sa kaniyang pagtulog. Nang magising ito kinabukasan ay nagpasiya siyang yayain si Lynette para tumambay muna sa park na malapit lang sa Chavez Residence.
Naglalakad-lakad silang magkaibigan sa Park nang ..
"Camille?" Tawag sa kaniya ng taong hindi niya inaasahang makikita sa lugar na 'yon.
"Mike?"
"Can we talk?" Tanong nito at binalingan pa ang kasama ni Camille na si Lyn. "Alone?" dagdag nito.
Tumango naman ni Camille. "Sure." wika nito at tiningnan si Lynette na halata ang pag-aalala sa mukha nito. "I'll be fine, Lyn. Dito ka lang muna, okay?"
Tinanguan siya ni Lynette, saka tiningnan ng matalim si Mike. "Hindi kita kilala pero hindi rin kita sasantuhin sa oras na may gawin kang hindi maganda sa kaibigan ko." Babala nito sa Lalaki.
"Wala akong gagawin sa kanya." tugon nito. "Tara, Camille." Iginiya niya si Camille sa Bench na nasa ilalim ng isang puno.
"Anong gusto mong pag-usapan natin, Mike?" tanong ni Camille sa malamig na tono nang makaupo ito sa Bench.
"About us-"
"There's no US anymore, Mike. Diretsuhin mo nalang."
Bumuntong hininga ang Lalaki. "Camille, about what happen in the past-"
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...