NATHAN
"Manang, nasaan po sina Daddy?" Tanong ni Camille sa isang matanda na marahil ay katulong nila.
"Nasa hardin sila, Hija." Tugon nito. "E Teka, sino ba itong kasama mo?" usisa nito.
"Ahm, Manang.. Siya po si Nathan." wika ni Camille. "Daddy ng kambal."
"Ahh.. 'yung nanakit sa'yo?"
Nag-init ang mukha ni Nathan sa sinabi ng matanda.
"Manang.. Hindi dapat marinig ng mga bata ang mga ganiyang tungkol sa Ama nila, okay?" Saad ni Camille. "Nathan, siya si Manang Maria. Matagal na siya sa'min kaya parang pangalawang nanay na namin siya ni Kuya." Baling ni Camille sa kaniya.
"Nice to meet you po." Nathan extended his hand to Manang Maria. Pero Cold ang pakikitungo nito sa kaniya dahil tango Lang ang naging tugon.
Tumikhim si Camille saka awkward na ngumiti sa kaniya. "Pagpasensiyahan mo nalang si Manang. Mahal lang niya kami ng mga bata kaya ganiyan." Wika ni Camille. "Halika na. Puntahan na natin sina Daddy." Aya sa kaniya ni Camille.
"Sige." sambit ni Nathan.
MAYA-MAYA Lang ay may naririnig na si Nathan na tawanan mula sa Hardin na sinasabi ni Camille.
"Oh, Our Princess is finally here!" Bulalas ng isang binata.
Nakita ni Nathan na pinaikot ni Camille ang kaniyang mga mata na ikinangisi niya.
"Hello!" Masiglang bati ni Camille. "Ahm, Everyone.. meet Nathan Angelo Buenavista. Daddy ni Rhett at Ash." Wika nito. "And Nathan, Sitting right there is no other than my beautiful Mom, and my Half-brother, Doctor Jet." Turo nito sa dalawang nakaupo sa Bench. "My Kuya Calyx, Of course.. kilala mo na siya." Naglakad si Camille palapit sa isang matandang Lalaki. "At ito naman ang Daddy ko. Don Lysandro Andrada." The man Looks very intimidating pero hindi magpapadala si Nathan.
"Hi, Sir. It's nice to finally meet you po." Nathan said, extending his hand to Camille's Father, Pero katulad kanina kay Manang Maria, hindi na naman pinansin ang kaniyang kamay.
"Have a sit." Turo ng matanda sa isa pang mahabang bench sa kanilang harapan. "Camille, Leave us for a moment, Anak. Hayaan mo muna kaming makausap ang Binatang 'to." Wika nito kay Camille na ikinadagdag ng kaba ni Nathan.
"Waaa! Huwag kang aalis, Ate. Totorturin ni Kuya -"
"Shut up, Jet!" Singhal ni Calyx kay Jet. "Iwan mo muna sa'min 'yang Lalaking 'yan and after this, we'll talk, Camille." Ma-awtoridad na wika ni Calyx kay Camille kaya wala ng nagawa ang dalaga kung hindi ang tumango.
"Iiwan na muna kita, Okay?" Wika ni Camille.
"Sige." sambit ni Nathan na nagpatangu-tango pa.
NANG Makaalis ang dalaga ay sumikdo na naman ang kaba sa kaniyang dibdib na kanina pa pilit nilalabanan para sa kaniyang mag-iina.
"We've met again, Nathan." Matigas na saad ni Calyx. "Natatandaan mo pa ba ang pag-uusap natin dati?"
Tumango si Nathan. "Yeah." Wika nito.
"Natatandaan mo ba na sa pag-uusap nating iyon, nangako ka sa'king hindi mo sasaktan ang kapatid ko? Natatandaan mo ba kung paano mo ginamit ang pangalan ng panginoon sa pag-uusap nating 'yon?"
Again, Nathan nodded. "Yeah."
"Natatandaan mo pa ba kung anong sinabi ko sa'yo sa oras na saktan at paiyakin mo si Camille?"
"Yeah. And I'm sorry, I didn't fullfill all my promises to you. Nasaktan at Napaiyak ko si Camille. I've been a Jerk to her in the past, at pinagsisihan ko na 'yon."
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...