CAMILLE
THREE YEARS LATER ..
“Mommy, wake up!” boses ng kaniyang anak na si Astrid. Gising na si Camille pero hindi pa rin nagmumulat ng mata. “Mommy, open youl eyes na, pletty please, mommy.” natawa si Camille dahil hindi pa din mabigkas ng kaniyang 3-years-old na anak ang letrang 'R' ..
“Anong gusto ng baby girl ko? Hmm?” Malambing na wika ni Camille sa anak habang pinupupog niya ng halik sa mukha na ikinabungisngis ng bata.
“Can we go to the palk, Mom?” Tanong ng bata na nag puppy eyes pa.
“Park? Okay. We'll go there, in one condition, Sweetie.” Wika ni Camille na kinindatan pa ang anak.
“What is it, Mommy?”
“Sabihin mo muna kay Mommy ‘yung magic words.” Nakangiting wika ni Camille.
Astrid grinned and clapped. “i wuv you mommy. i wuv you so so much.” She said as she kissed Camille in her cheeks.
“I love you too, Baby.” Wika ni Camille at niyakap ang anak. “Now, Let’s call kuya Rhett na. We’ll take a bath first before we go to the park. Okay?” wika ni Camille saka bumangon sa kama at naglakad palabas ng Silid.
“Kuya! Kuya! Maliligo na daw tayo!” Tawag ni Astrid na kaniyang kambal na si Rhett. Kuya ang tawag niya dito dahil siya ang unang lumabas.
“But I’m still playing!” Reklamo ng anak niyang si Rhett.
“Then stop. Pupunta tayo sa Palk.” wika ni Astrid na nakapa maywang sa harap ng kaniyang kambal.
“Park, Ash. Not Palk.” Tatawa-tawang saad ni Rhett. “Right, Mom?” Baling niya kay Camille na nakangiting pinagmamasdan ang dalawa. Kamukhang kamukha ni Nathan si Rhett at Female version pa nito si Astrid.
“Yes. That’s right, Rhett. Pero hindi pa kayang bigkasin ng kambal mo ang Letter 'R' kaya hayaan mo nalang, okay?”
“Yes, mom.” Wika ni Rhett.
“Now stop playing and let’s take a bath na.” Kinarga ni Camille ang dalawang anak at bumalik sa kaniyang kuwarto para paliguan ang dalawa.
AFTER an hour, Dahil walking distance lang naman ang Park. Naglakad na silang tatlo.
“Hero, Bilisan mong maglakad, Buddy.” Pagkausap ng anak niyang si Rhett sa aso nitong Australian sheperd.
Tumawa naman si Camille. “Do you really want to play with hero?”
Ngumisi si Rhett. “Yes. He’s my best buddy, Mommy, and I love him kasi gift po siya sa’kin ni Lolo Dad.” Tukoy ni Rhett kay Don Sandro.
“I love helo too, Mommy.” wika ni Astrid.
Ngumiti si Camille. “Bilisan na natin para makarating na tayo sa Park.” wika nito sa kambal.
“Aye aye captain!” Sabay na bulalas ng kambal. Natawa nalang si Camille sa ka-cute-tan ng dalawa.
NANG makarating sila ng Park ay hindi na magkanda-ugaga ang kambal. Agad silang nakipaghabulan kay Hero kaya wala ng ibang ginawa si Camille kundi ang tumawa.
Ganito Lagi ang weekend niya. Matapos ang Limang araw na pagtatrabaho sa ipinamana ng kaniyang Daddy na distileriya a year ago, Sinimulan na niyang i-manage iyon at pinangalanan pang “AshRhett Distillery”. Isinunod niya iyon sa pangalan ng kambal and now, Her Company is already one of the well-known Wine Distillery in Asia pero nanatili pa ring Misteryosa ang kaniyang pagkakakilanlan dahil hindi pa siya handang magpakilala bilang Owner at CEO ng kompanya niya. Tanging ang kaniyang kaibigang si Lynette na naging Secretary niya lamang ang inaatasan niya sa pakikipag close ng deal sa mga gustong mag invest rito.
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...