CHAPTER 24

3.4K 144 14
                                    

NATHAN

"Anak, Ano bang nangyayari sa'yo? Tingnan mo nga 'yang itsura mo. God! Anak, please. Tama na! Ayusin mo ang buhay mo dahil hindi babalik si Camille kung ganiyan ka lang na nagmumukmok sa bahay mo at pinapatay ang sarili sa Alak." Umiiyak na wika ng Mommy ni Nathan.

"Mom, Go home. I just want to be alone, please."

"I'll stay, Nathan. Hindi ako aalis. Pag-usapan natin ang problema mo, okay? Makikinig ang Mommy sa'yo."

"Mom.." Mahinang sambit ni Nathan. "Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ilang araw na akong tumatambay sa bahay ni Camille.. Hinihintay kung kailan uuwi pero hindi ko pa rin nakikita kahit anino niya." Nangingilid ang Luhang wika nito.

"Wala kang dapat sisihin dito, Nathan. Ikaw, higit sa lahat ang dapat unang nakinig sa paliwanag ni Camille. Anak, alam mo ba kung bakit namin nagustuhan ng Daddy mo si Camille? Dahil iba siya sa mga babaeng naka-relasyon mo. Isa siyang Espesyal na babae na hindi mo dapat sinayang pero nangyari na ang nangyari at 'wag na tayong magsisihan. Ang magagawa nalang natin ay hanapin siya."

"But how? Hindi ko alam ang lugar nila, Mommy."

"Then Hire an investigator. Use all your connections. Kakausapin ko ang Dad mo para tulungan kang mahanap si Camille dahil hindi rin ako makakapayag na hindi siya ang mamanugangin ko." Nakangiting wika ni Samantha sa anak.

Lumapit si Nathan sa kaniyang ina at niyakap ito. "Thank you so much, Mom. Kung hindi sana ako gago at nakinig sa kaniya, hindi ko na sana siya kailangang hanapin." wika ni Nathan. "Sinaktan ko siya physically and Emotionally, at hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa ginawa kong 'yun sa kaniya, Mom." Puno ng lungkot na saad ni Nathan.

"Ssshhh.. Tama na, Hijo. Sige na, Umpisahan mo na ang paghahanap sa kaniya bago mahuli ang lahat. Tigilan mo na ang paglalasing mo dahil kahit kailan, hinding hindi ka matutulungan niyan."

"Yeah. I'll just take a bath, Mom."

"Okay."

NANG matapos maligo ay agad nitong hinanap ang kaniyang cellphone at tinawagan si Mark na agad namang sinagot.

"Yes, Nathan?"

"Mark, i need your help, Bro." wika ni Nathan.

"Anong nakain mo at nangangailangan ka na ngayon ng tulong?"

"Shut up! Tulungan mo nalang ako, please. I really really need to find my Love."

"I don't know her address, Nathan." Sarkastikong sagot ni Mark.

"Buwiset ka!" singhal ni Nathan sa kaniya. "May kilala kang magaling na investigator, right?"

"Yeah. Why?"

"Samahan mo siya sa'kin. I need his service."

"Hold on. Tatawagan ko sandali para alamin kung puwede siya ngayon."

"Make it fast, Mark, please."

Nawala pansamantala si Mark. Malamang ay tinawagan nito ang kakilalang imbestigador.

"Nathan?" tawag uli sa kaniya ng kaibigan.

"Yes? Anong sabi?"

"Nasaan ka? Hindi busy ngayon si Maxx kaya pupuntahan ka namin."

"Dumiretso kayo sa Buenavista's. Papunta na ako ro'n." Wika ni Nathan.

"Okay." Binabaan na siya ng tawag ni Mark.

Lumabas siya ng kaniyang silid at namataan ang inang abala sa kusina. "Mom, aalis muna ako. May kakausapin lang akong maaring makatulong sa'king mahanap si Camille." Paalam nito sa ina.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon