CAMILLE
“Ummm..” ungol ni Camille nang maramdaman ang banayad na pagdampi ng Labi sa kaniyang mukha.
“Wake up, Love. It’s already one in the afternoon. Hindi ka nag-breakfast kaninang umaga, pati Lunch hindi ka rin kumain.” Boses ng asawa niya.
“Buwiset ka kasing Lalaki ka.” wika ni Camille na nakatakip ng unan ang Mukha niya.
Narinig niya ang marahang pagtawa ni Nathan. “Wala naman akong ginagawa ah.” wika nito.
“Pinagod mo ako kagabi!” Singhal ni Camille na binato pa ng unan si Nathan.
Humagalpak ng tawa si Nathan. “Last night is our wedding night, My wife. Sinulit ko lang naman saka bayad mo ‘yun sa pagpapasayaw sa’kin sa harap ng ating mga bisita.”
Bumangon si Camille saka inirapan si Nathan. “I hate you.”
Ngumisi si Nathan. “Hindi ‘yan ang narinig kong isinisigaw mo kagabi.” wika nito saka hinaplos ang pisngi ni Camille. “you okay?”
Umiling si Camille. “I feel sore down there. Ilang beses na nating ginawa ‘yon pero kasi naman e.” sumimangot si Camille.
Yumakap sa kaniya si Nathan. “I’m sorry. Masiyado akong nadala kagabi, Love.” wika nito saka siya nito dinampian ng halik sa Labi.
Ipinulupot ni Camille ang kaniyang kamay sa Leeg ni Nathan. “Nagugutom na ako, Love.” sambit nito na ikinatawa ni Nathan.
“Halika na. May pagkain naman sa kusina e.” wika nito.
Tumango si Camille. “Where are the kids? Hindi mo pa sila sinundo?” kapagkuwa’y tanong nito. Sa penthouse kasi sila ni Nathan dumiretso nang matapos ang celebration ng kasal nila.
Umiling si Nathan. “Doon nalang daw muna sila sabi ni Mommy at Daddy. Sulitin na daw natin ‘yung honeymoon natin at sila na muna ang bahala sa mga bata.” Paliwanag ni Nathan saka siya nito pinangko. “Kaya mamaya, Babalik tayo ng mansiyon para makapag impake tayong dalawa dahil may pupuntahan tayo.” wika ni Nathan saka sila Lumabas ng silid nila.
Tumitig si Camille sa kaniyang asawa. “Saan naman tayo pupunta?” kunot-noong tanong nito.
Ngumiti si Nathan saka siya nito pinaupo sa kitchen island. “It’s a surprise, Love. Just pack some comfortable clothes later, okay?” wika nito.
Tumango si Camille. “Okay. I love surprises pero Make sure na matutuwa talaga ako.”
“Of course, Love. Now, stay here. Kukuhanan Lang kita ng pagkain.” Naglakad na ito para ikuha siya ng kaniyang makakain.
“Love?” tawag niya kay Nathan.
“Yes, Love?”
“I Love you.” Nakangiting saad ni Camille.
nakangiting naglakad pabalik sa kaniya si Nathan na may hawak na plato ng pagkain sa kamay. “Akala ko ba hate mo na ako?” Tanong nito saka nilapag ang hawak nito sa tabi ni Camille.
Kinagat ni Camille ang kaniyang pang-ibabang Labi saka hinapit si Nathan palapit sa kaniya at ipinulupot ang hita sa beywang nito. “Gago ka ‘no?”
Natawa si Nathan sa sinabi nito. “But you Love me, right? Mahal mo ang gagong ‘to kaya mo nga siya pinakasalan.” Nakangiting wika ni Nathan saka ipinulupot ang kamay sa maliit na beywang ni Camille.
“Uh-huh.” hinalikan ni Camille ang tungki ng ilong ni Nathan. “Mahal. na. mahal. na. mahal. kita.” wika nito na sinasabayan ng pagdampi ng Labi nito sa Labi ng kaniyang asawa.
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...