CHAPTER 20

3.5K 158 4
                                    

CAMILLE

PAUWI na si Camille galing trabaho. Hindi maganda ang araw dahil hindi pa nagpaparamdam sa kaniya si Nathan simula nang mag-usap sila nang nakaraang gabi.

Buwiset na Lalaking 'yon! Nakakaya akong tiisin samantalang sobra na ang pananabik ko sa kaniya. Makikita niya talaga 'pag nakauwi siya rito.

inis na bulong ni Camille sa kaniyang sarili habang nagmamaneho pauwi ng kaniyang bahay.

Nang makarating siya sa kaniyang bahay ay agad ipinarada ang sasakyan at Lumabas roon. Nang nasa pintuan na siya ay nagtaka pa ito dahil sira ang seradura. Dahan-dahan niya itong tinulak pabukas at naglakad papasok.

"Camille."

"Ayy kabayong Tipaklong!" Gulat na bulalas ni Camille. Tiningnan nito ang nagsalita. "Nathan? Buwesit ka-"

"Don't cuss." Malamig na boses na wika ng binata.

"Are you okay, Love?" Nag-aalalang tanong ni Camille.

"Stop acting as if you care, Camille." Matigas na wika ni Nathan na ikinakunot ng noo ng dalaga.

"Anong ibig mong sabihin?" naguguluhang tanong ni Camille.

"Pera ba, Camille? Pera ba ang gusto mo kaya pumayag kang maging girlfriend ko?!" Galit na sigaw ni Nathan sa kaniya.

"Of course not. Nathan, hindi na ako natutuwa ah. Ngayon ka lang nagpakita sa'kin tapos-"

"Then what's the meaning of this?!" Marahas na nilagay ni Nathan ang cellphone nito sa kaniyang kamay.

"Saan mo nakuha 'to, Nathan?" Tanong ni Camille habang nakatitig sa picture nila ni Mike kung saan magkapatong ang kamay nila sa mesa nang nasa Restaurant sila. Naroon din ang picture nilang magkayakap nang nasa Loob pa sila ng restaurant at pati nang nasa parking Lot na sila.

"Wala kang pakialam kung saan o kanino ko 'yan nakuha, Camille." Galit na wika ni Nathan. "Ngayon sabihin mo sa'kin kung sino ang Lalaking 'yan."

"He's Mike. My Ex-boyfriend-"

"Wow! So ngayon kayo na ulit?" Pagak na tumawa si Nathan saka marahas na hinawakan ng dalawang palad ang mukha ni Camille. "Tapos na tayo, Camille. Ayaw ko sa katulad mo. Minahal kita pero ginagago mo lang pala ako. Mas magaling ba sa kama ang gagong Mike na 'yon kaysa sa'kin ha??!" Sigaw nito sa mukha ni Camille.

Hindi na napigilan ni Camille ang iyak. "That's not true, Love. Nag-usap kami para-"

"Stop lying, Camille. Ayaw ko ng marinig lahat ng kasinungalingan mo! Tama na, okay? Tama na!" Galit na galit sa wika ni Nathan. "Fuck! Ayaw ko ng makita 'yang pagmumukha mo." Tinalikuran na nito si Camille pero mabilis na kumilos ang dalaga at niyakap nito si Nathan sa kaniyang Likuran.

"Pakinggan mo naman ako, please." Wika ni Camille habang humahagulgol. "Wala kaming ginagawang-"

Humarap sa kanya si Nathan at malakas siyang tinulak dahilan para mapasalampak ito sa sahig. "Go to hell, Camille! I don't need a whore Like you! Alam ko namang nag-apply ka bilang sekretarya ko para akitin ako at perahan e." pang iinsulto sa kaniya ni Nathan. "You're a conniving gold digger woman!" Bulyaw nito sa dalaga.

Tumayo si Camille at Lumapit sa Binata at malakas na sinampal. "Call me a whore or whatever you want, Nathan but don't you dare accuse me being a gold digger!" Galit na sigaw ni Camille sa kaniya. "Wala akong pakialam sa yaman mo dahil sa totoo lang? Kayang kaya kong tapatan 'yon, Nathan." Nanghihinang sambit ni Camille habang patuloy sa pagpatak ang kaniyang mga luha.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon