CHAPTER 14

3.6K 150 2
                                    

NATHAN

MONDAY na naman. Maagang gumising si Nathan dahil alam nitong nakabalik na si Camille at nasisiguro niyang papasok na rin ito sa trabaho. Nagtatampo pa rin ang binata dahil simula nang mag-usap sila nu'ng tinawagan niya si Camille ng madaling araw ay wala na naman siyang balita sa dalaga.

Naiirita ito dahil kahit gusto niyang makita at makasama ang Girlfriend ay walang magawa dahil hindi nito alam ang pinuntahang lugar ni Camille. Ayaw din niyang gumamit ng connections para lang mahanap ito dahil malaki naman ang tiwala niya sa kaniyang kasintahan.

Pumasok si Nathan sa kaniyang bathroom at mabilis ang ginawang pagligo. Mabilis na nagbihis ng pang opisina at agad lumabas ng penthouse nito. Hindi na niya nagawa pang mag-breakfast sa sobrang excitement na nararamdaman.

Nang makarating ng Buenavista Real Estate ay mabilis na tinungo ang Private Elevator nito para makarating agad sa opisina ni Camille ngunit laking pagkadismaya ng binata nang makitang wala pa ang Girlfriend nito kaya pumasok nalang sa kaniyang opisina tutal ay maaga pa naman kaya marahil ay wala pa si Camille.

Fuck!! never kong na-imagine na magiging ganito ako kabaliw sa isang babae. Lord God! Nakakabaliw ang karma ko.

Bulong nito sa sarili habang nilalaro-laro ang hawak nitong Ballpen. Napangiti ito ng bumukas ang kaniyang pintuan ngunit agad ring nawala nang makitang si Janine ang pumasok.

"Hey, Handsome. Good morning." Masiglang bati sa kaniya ng dalaga.

"What are you doing here, Janine?" Wika nito, in a cold tone.

"I just missed you a lot. Gusto kitang makita."

"Go home. Ayaw na kitang makita, Janine."

"Hmm? Are you sure you don't want to touch this?" bigla nitong inalis ang butones ng suot na blouse. "Hmm, Baby?" pang-aakit nito sa binata.

"Stop it!"

"Why? Alam ko namang gustung-gusto mo kapag-"

"Damn you, Janine!" Sigaw nito sa dalaga. "Kapag dumating ang Girlfriend ko at naabutang ganyan ang itsura mo, mapapatay talaga kita."

"Aw! New Flavour of the month, Nathan?" Nakangising tanong ni Janine "You know, I don't care about your new girl, i can still warm-up your bed, honey. Just Like before." She said in a Flirtatious tone.

"She's not just a girl because I do love her, Janine. So stop your shit. Fix yourself and go to hell!" inis na wika ni Nathan.

Lumapit si Janine sa kaniya at umupo sa kanyang kandungan at bigla nalang siya nitong hinalikan sa Labi na sakto namang pagbukas ng pintuan ng kaniyang Opisina.

Lumakas ang kalabog ng kaniyang dibdib ng makitang si Camille ang pumasok. Nakaawang ang bibig at Nanlalaki ang mga mata. Itinulak naman ni Nathan ang babae sa kaniyang kandungan dahilan para mapaupo ito sa sahig.

Mabilis namang nilapitan ni Nathan si Camille. "Love, it's not what you think. She-" Pakk! Malakas itong sinampal ni Camille sa kanang pisngi.

Hindi pa nakakabawi sa gulat ng pagsampal sa kanya nang makitang naglakad naman ang Girlfriend palapit kay Janine na abalang inaayos ang pagkakabutones ng suot na Blouse. Marahas na Hinablot ni Camille ang buhok ng dalaga dahilan para mapasigaw sa sakit si Janine.

"You know what, Bitch? Punung-puno na ako sa mga katulad mong higad kaya bibigyan kita ng Leksyon para sa susunod, Hinding hindi mo na ako nanaising banggain." Galit na wika ni Camille kay Janine habang hawak-hawak pa rin nito ang buhok at hinila papasok sa Loob ng Office bathroom ni Nathan.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon