NATHAN
"It's already 4am, Nathan. Tama na 'yan, Bro." wika ni Mark. Nasa THE ROCKS silang tatlong magkakaibigan.
"No, please. Gusto kong magpakalasing."
"I said enough!" Galit na wika ni Mark. "Pinapatay mo na ang sarili mo sa alak. Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo?!"
"My Life?" Pagak na tumawa si Nathan. "My life is already fucked up! 'Yung babaeng mahal ko, Kinamumuhian ako dahil sa Putang inang pagkakamali ko. 'Yung mga anak namin?" Tumawa uli ito na ngayon ay sinabayan na rin ng sunud-sunod na patak ng kaniyang Luha. "Ni hindi ko man lang sila mapagmasdan kahit sa malayo Lang kasi tinatago na sila sa'kin ni Camille.." Ibinato nito sa pader ang hawak na bote ng alak. "Wala na akong buhay, Mark. Sirang sira na."
"Ikaw ang sumisira sa buhay mo, Nathan. Imbes na maglasing ka ng maglasing, suyuin mo nalang ng suyuin si Camille. Malay mo lumambot ang kaniyang puso-"
"Alin ba sa salitang Kinamumuhian ang hindi mo maintindihan ha?! Kinamumuhian ako ni Camille. Alam mo kung bakit? Dahil Gago ako, Mark. Dahil Gago ako!" Wika nito na hindi na napigilan ang pag-iyak. "Wala akong magawa para makita ang mga anak ko, Mark. Sa tuwing pinupuntahan ko sila sa ASHRHETT o sa Mansiyon ng mga Andrada.. Lagi akong pinagtatabuyan ng mga securities nila."
"Okay. Tutulungan ka namin ni Jake na makita sila.. But first, kailangan hindi ka ganitong Lasing."
Nagningning ang Mukha ni Nathan sa narinig. "T-tutulungan niyo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ng binata.
"Yes. Ayaw ka naming nakikitang ganito na sinisira ang buhay dahil hindi ganito ang Nathan na kaibigan namin. Kailangan mong ayusin uli ang buhay mo para makita ni Camille na capable ka rin sa pag-aalaga sa mga anak niyo." Wika ni Mark.
"Huwag mo kasing madaliin ang lahat, Bro." Sabad ni Jake. "Step by step Lang kasi tayo hindi 'yung bigla ka nalang magpapakita kina Camille tapos gusto mo na agad makapasok sa buhay nila ng mga anak niyo."
"Jake is right. Kailangan mo munang maibalik ang tiwala ni Camille sa'yo." Saad naman ni Mark.
"Huwag 'yung biglaan dahil masiyadong creepy 'yon, Nathan. Tingnan mo ang nangyari noong sinugod mo si Camille sa distileriya niya at ipamukha sa kaniyang nagpa DNA ka at nalaman mong anak mo ang dalawang bata.. Natakot siya sa'yo kaya niya tinago ang mga bata sa'yo." Wika ni Jake. "Ilang beses na naming sinabi sa'yo na bago ka gumawa ng hakbang, Think about it first. Make sure na magiging maayos ang kalalabasan."
"Yeah. Na-Excite lang naman ako nang malaman kong anak ko sina Rhett at Ash." Wika ni Nathan.
"Putang ina! 'yang buhay mo masiyadong magulo." iiling iling na saad ni Jake. "Noon puro pambababae ang inaatupag mo. Nandidiri ka pa nga sa tuwing binabanggit ni Tita Sam na gusto ka na niyang mag-asawa para magka-apo na siya, tapos ngayon malalaman nalang natin na may anak ka na. Hindi Lang isa, kundi dalawa."
"Yeah. Ibig sabihin tumatanda na tayo, Jake at kailangan na rin nating magtino para magkaroon na rin tayo ng mga anak. Papatalo ba naman tayo sa gagong ito?" Turo ni Mark kay Nathan. "Mas guwapo nga tayo diyan."
"I doubt it, Man. Alam niyong ako ang mas angat sa inyong dalawa." Nakangising saad ni Nathan.
"Manahimik nga kayo. Ako ang pinakagwapo sa'ting tatlo." putol ni Jake sa dalawa. "Tara na nga. Inaantok na ako."
"Ako nga rin. Kung hindi lang dahil sa gagong 'to, kanina pa sana ako tulog sa bahay ko." Wika ni Mark. "Tumayo ka na diyan, Nathan. Saan ka ba namin ihahatid? Sa Penthouse mo O sa Mansiyon niyo?" Tanong ni Mark kay Nathan.
"Sa Mansiyon. Masiyadong malungkot sa Penthouse ko. Baka mas mabaliw Lang ako roon." Wika ni Nathan saka tumayo pero muntik pang matumba dahil sa dami ng nainom na alak.
BINABASA MO ANG
NATHAN & CAMILLE ✔️
General FictionWARNING: SPG | R18+ --- Nathan Angelo was born and raised in a family that believed in the true meaning of love. Love. What a big word. The problem is that he doesn't believe in it. For him, it was as if he had dug his own grave if he believed that...