CHAPTER 39

3.3K 141 1
                                    

CAMILLE

“That’s enough.” wika ni Camille sa mag-aama na kanina pa naghahabulan sa playground ng Mansiyon. “Pawis na pawis na ‘yung mga bata, Nathan.”

“But mommy, i want to play pa.” Wika ni Astrid na humaba pa ang nguso.

“Me too, Mom.” Gatong ni Rhett.

Maya-maya ay may binulong si Nathan sa mga bata na ikinabungisngis nila.

“Hoy! Anong binubulong-bulong mo diyan sa mga anak ko?”

Ngumisi si Nathan. “Ready, kids?” Tanong nito sa mga bata.

“Ready, Daddy!” Sabay na bulalas ng dalawa na ikinakunot ng noo ni Camille.

“Anong ready? Sabi ko tama na. Pawisan na kayo.” wika ni Camille sa dalawang bata pero ngumiti Lang sila ng pagkalapad-lapad.

“Attack!” Biglang sigaw ni Nathan.

“Aaayyy!!” Sigaw ni Camille nang inatake siya ng dalawang bata kaya napaupo ito sa damuhan. “Kids, hindi na natutuwa si Mom—aaayyy!” Biglang Lumapit si Nathan na tinulak siya pahiga saka kinuha ang dalawang kamay niya at dinala sa ulunan niya. “Buwiset kang—Aayyy! Stoppp! Stopppp!!!” Sigaw nito ng bigla siyang kiniliti ng mga bata habang tawa ng tawa. “Can't breathe.. Oh my G-god! Nathan kapag hindi mo pinatigil ‘yang mga anak mo tatamaan ka sa’kin! Kids stop!”

“Okay. That’s enough, Kiddos. Mommy is Mad na.” Wika ni Nathan sa mga bata na tatawa tawa dahil sa itsura ni Camille.

“Oh God..” Camille said, Gasping for breath. “Ikaw na Lalaki ka, kahit kailan puro ka kalokohan!” Singhal ni Camille sa binata na pinagsusuntok pa sa dibdib.

“Mommy, Don’t hurt Daddy, please. Sorry na. Hindi ka na namin ulit kikilitiin, promise. Just don’t hurt Daddy.” Wika ni Rhett.

“No, Baby. Hindi naman sinasaktan ni Mommy si Daddy e. We’re just playing too, Right Daddy?” Baling nito kay Nathan.

“Yes, Mommy.” Nakangising tugon ni Nathan pero pinandilatan siya ni Camille. “I mean, Yes. Nagpiplay Lang din si Mommy at Daddy kaya huwag ng mag-alala, okay?” wika ni Nathan kay Rhett.

“Really? You’re not hurting Dad, Mommy?” Paninigurado ni Rhett.

“Of course not, Baby.” depensa ni Camille.

“Then kiss!” Biglang nanuyo ang lalamunan ni Camille sa sigaw ng anak na si Astrid.

“Astrid, Stop it, baby. It’s not funny anymore.” wika ni Camille.

“Just one kiss, Mommy. Please.” Pagpipilit ng bata.

Nilingon ni Camille si Nathan at halatang nagpipigil ng tawa. Inilapit ng dalaga ang bibig sa tainga nito. “Magtutuos tayo mamaya, Manyak ka.” Bulong nito saka mabilis na dinampian ng halik sa Labi si Nathan na ikinangiti ng binata. “There.” wika ni Camille sa mga bata.

“Yayy!” Bulalas ni Astrid na sinabayan pa ng pagpalakpak.

“Dapat hindi ko nalang kayo dinala dito dahil natututo kayo ng kalokohan e.” saad ni Camille.

“Hey! Walang ganyanan, Love. Mababaliw na talaga ako ‘pag hindi ko na naman kayo makikita. ” wika ni Nathan.

“Bakla!” Sambit ni Camille habang pinupunasan ang Likod ni Rhett.

Lumapit sa kaniya si Nathan. “Alam mong hindi ako bakla, Love.” Bulong nito.

“Tumahimik ka.” saad ni Camille. “Let’s go back inside, kids. Mainit na dito sa Labas.” wika nito sa mga bata sabay tayo at hinawakan si Rhett sa kamay. Binuhat naman ni Nathan ang anak nilang si Astrid saka pumasok sa loob ng Mansiyon.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon