CHAPTER 16

3.8K 148 3
                                    

NATHAN

NANG makapasok sila ni Camille ng Mansiyon ay agad silang sinalubong ng nakangiting Mayor-doma ng Mansiyon na si Aling Tess.

"Señiorito, kumusta po? Mabuti naman at nakadalaw kayo."

"Oo, Aling Tess." Nilingon nito si Camille. "Girlfriend ko pala. Si Camille Rose." wika nito. "Love, Siya si Aling Tess. Ang Mayor-doma rito."

"Naku, Ma'am. Napakaganda niyo po. Hala e bagay na bagay po kayo ng Señiorito Nathan namin e."

Napangiti si Nathan ng mapansin ang pamumula ng pisngi ng Girlfriend kaya naman inilapit nito ang bibig sa tainga ng dalaga. "You're blushing, Love." Bulong ni Nathan. Napa-igik ito ng sikuhin siya ni Camille sa Tiyan.

"Aling Tess, palagay ko hindi kami bagay ng Señiorito niyo kasi malakas ang sira ng Lalaking 'to sa ulo."

Natawa si Aling Tess sa sinabi ni Camille, habang si Nathan ay nalukot ang Mukha. "Nasaan sina Mom at Dad, Aling Tess?" Pag-iiba ni Nathan sa usapan.

"Si Madam Samantha po nasa kuwarto nilang mag-asawa, at Si Sir Nathaniel naman po ay nasa kaniyang Opisina na naman dito sa Mansiyon." pag-imporma ng Ale.

"Pakitawag naman sila, please. Sabihin niyo nandito ako at kasama ko ang Girlfriend ko." Utos ni Nathan.

Tumango naman si Aling Tess. "Sige po. Sandali lang. Maupo nalang ho muna kayo." wika nito sa kanila saka sila tinalikuran.

"Halika, Love. Umupo muna tayo habang hinihintay natin sina Mom at Dad." aya ni Nathan at iginiya ito sa Receiving Area.

Napansin ng Binata ang itsura ng dalaga na parang kinakabahan dahil nilalaro-laro nito ang kaniyang mga daliri sa kamay at panay ang pagbuntong-hininga nito.

Hinawakan ni Nathan ang mga kamay ni Camille. "Relax, Love. Hindi ka nila kakainin, Ako lang ang dapat kakain sa'yo." pagbibiro ni Nathan.

"Shut up!" Singhal ni Camille sa kaniya. "I'm nervous as hell!"

Nathan chuckled. "Magugustuhan ka ng Daddy ko, Trust me. Saka nandito lang naman ako sa tabi mo, hahawakan ko ang kamay mo para mabawasan 'yang kaba mo. Okay ba 'yon?" Nakangiting tanong ni Nathan.

"Yeah. That would be fine. Thank you, Love." Nakangiting wika ni Camille.

Hinalikan ni Nathan si Camille sa Sentido. "I love you."

"I love you too, Nathan."

Magsasalita pa sana si Nathan nang biglang may nagsalita sa Likuran nila. "Anak?" Ang kaniyang mommy.

"Hi mom." Tumayo si Nathan at lumapit sa ina para humalik sa pisngi nito. "Hi Dad." Bati nito sa ama na naglalakad palapit sa kanila.

"Tess said that you are here with your Girlfriend." Nakangiting saad ng amang si Nathaniel.

"Yes, Dad." Naglakad si Nathan pabalik sa kinaroroonan ng kaniyang Girlfriend saka tumingin ulit sa kaniyang magulang. Napangisi pa ito ng makita ang pagkagulat sa mukha ng ina. "Mom, Dad, I want you to officially meet my Girlfriend, Camille Rose Andrada." Pakilala nito sa kaniyang kasintahan. "And Love, Meet my Awesome parents, Samantha and Nathaniel Buenavista."

"Hi, Tita." Bati nito kay Samantha saka bumaling kay Nathaniel. "Hello, Sir. Nice to meet you po." Magalang na wika ni Camille.

"You address my wife "TITA", So, to be fair, you should address me Tito also." Nakangiting saad ng Ama ni Nathan.

"ah..uhm.. T-tito.." nauutal na sambit ni Camille dahil sa kabang nararamdaman.

"That's good to hear, Hija." Wika ni Nathaniel.

NATHAN & CAMILLE ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon